Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, ‘di pa makauuwi ng ‘Pinas, isinagawang operasyon, mino-monitor pa

ONCE ay natiyempuhan naming online ang kaibigan-kumpare at talent manager na si Ogie Diaz.

Sinamantala na rin namin ang pagkakataong usisain ang tungkol sa medical bulletin ng kanyang alagang si Liza Soberano.

Matatandaang kinailangang lumipad ang young actress sa US para sa kanyang much-needed finger surgery bunga ng aksidenteng sinapit niya noon sa taping ng Bagani.

Ayon kay Ogie, wala pang tiyak na petsa kung kailan makauuwi ng bansa si Liza. Under monitoring pa kasi ito, bukod sa bagong antibiotic na ibinigay ng kanyang doctor.

Araw-araw pa rin ang checkup nito na siyang nagsagawa ng operasyon sa kanya.

Kung papalarin, this July ay maaaring nang magbalik-‘Pinas ang aktres. Pero hangga’t walang advice mula sa kanyang doctor ay patuloy pa itong oobserbahan.

God willing nga’y sana’y makauwi na si Liza ngayong July. Pero we doubt kung ia-advise sa kanya ng kanyang surgeon na sumabak agad sa trabaho.

Ang maganda nito, tiyak namang hindi pababayaan ng ABS-CBN si Liza. Under way na nga ang planong gumawa uli siya ng teleserye.

Meanwhile, as far as her aborted Darna project, wala pang opisyal na balita kung sino na ang replacement ni Liza.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …