AKTIBO na muli sa Instagram si Kris Aquino matapos pansamantalang magpaalam sa social media habang sumasailalim sa medical tests sa Singapore at tinutukan ang pagpapalakas at pagpapagaling. Timing naman ito sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong weekend.
Nagdesisyon si Kris na maging aktibo ulit sa IG dahil sa pag-disable niya sa kanyang account ay may ilang taong na-offend sa pag-aakalang nai-block sila nito sa IG.
Ibinahagi niya rin sa kanyang IG post ang kinahihiligan ngayong pagbabasa ng mga libro tungkol sa Ikigai. Ayon sa whatis.com, ang Ikigai ay “a Japanese word whose meaning translates roughly to a reason for being, encompassing joy, a sense of purpose and meaning and a feeling of well-being. The word derives from iki, meaning life and kai, meaning the realisation of hopes and expectations.” Isa ang Ikigai sa sikreto ng mga Japanese sa “long and happy life.”
Post nga ni Kris sa IG – “i’m sorry, i temporarily disabled with no explanation & some got offended thinking they got blocked.
“i read several books on IKIGAI (google na lang please or else sobrang haba nito, but it reenforces my affinity for (Japan) and my quest for peace & healing)… i’m directly quoting ‘in life we sometimes misplace priorities and significance… if you can make the process of the effort your primary source of happiness, then you have succeeded in the most important challenge of your life… The inner joys and satisfaction will be more than enough to make you carry on with your life.’ Inaamin ko naman, when i get immersed in something i go all in- so i read 5 books on IKIGAI, re-read Marie Kondo’s books (The Life Changing Magic of Tidying Up and Spark Joy), and now i’m reading Kintsugi Wellness.
“i also read books on HYGGE from the Danish, FIKA and LAGOM from the Swedish. books to help me be less stressed & appreciative of what’s here & now i devoured.”
Samantala, bagama’t walang detalye tila nagbigay naman ng clue si Kris sa kanyang IG post tungkol sa isang project na excited siyang gawin. Ipinadala na ang script sa kanya. Posibleng horror ang proyektong ito na genre na gusto niyang balikan. Suportado ito ng ipinost niyang posters ng blockbuster horror movies na nagawa niya kabilang na ang Feng Shui 1 at 2, Sukob, Segunda Mano, at Dalaw.
Burado ang titulo sa script pero nakalagay na story ito ni King Palisoc at ang screenplay ay kay Dodo Dayao.
Pahayag ni Kris sa kanyang IG post, “what does all my reading have to do with my horror movie posters? in (Singapore) i asked myself what do i want to go back to that will encourage & inspire me to regularly do the water physiotherapy my doctors were all recommending? and this script was emailed to me.
“i won’t give specific details, mabait ang producers because i had asked to start in September when i feel my immunity can take on the physicality required, but for now i need to strengthen myself. thank you for your patience with me. i’m learning to exercise that with myself, too.”
PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga