Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jayve Diaz, magpapakitang gilas din sa showbiz

ISANG bagong mukha sa mundo ng showbiz ang mapapanood very soon sa pelikula. Siya ay si Jayve Diaz, isang 25-year old na Konsehal sa City of Ilagan, Isabela. Si Konsehal Jayve ay graduate ng dalawang kurso, BS Nursing sa University of Sto. Tomas at Masters in Public Administration sa Isabela State University. Siya ay na-discover ni Direk Romm Burlat at ini-encourage na subukan ang pag-aartista.

First time ba siyang sumabak sa politics at bakit siya naengganyong sumubok sa showbiz?

“Hindi po sir, this is actually my second term. I started my 1st term last 2016. I am happy to be in service for the people in our city. Nandoon po ‘yung enthusiasm ko sa aking sinumpaang katungkulan and I am doing my best as always. So okay naman po. I was elected for my second term as the number-1 city councilor po,” esplika ni Konsehal Jayve.

“I love to try a lot of things habang kaya pa, and I am considering that as one of them,” nakangiting wika pa niya.

Nabanggit din ni Konsi Jayve na wala siyang experience sa acting sa films, pero handa siyang mag-acting workshop. “Wala po akong experience sa acting pagdating po sa films pero na-try ko na po ‘yun sa school projects and yes po, I am open to the idea na mag-workshop po para matuto.”

Si Direk Romm ay magkakaroon ng acting workshop sa Isabela sa June 22-23, 2019 at isa si Konsi Jayve sa makikibahagi rito.

Sino ang idol niyang local actors and why? “Sa aking henerasyon po nasubaybayan ko po ‘yung mga pelikula at galing sa pag-arte nina Gerald Anderson, Aga Muhlach, Coco Martin, Jake Cuenca… at sa comedy, si Michael V. naman po.”

Ano’ng gusto niyang gawing klase ng movie? “Nais ko po munang mag-workshop para po malaman ko kung alin po sa mga klase ng pelikula ang makita kong kakayanin ng aking abilidad. Pero kung alam kong kaya ko na po, open po akong masubukan ang comedy, historical or true to life story type of movie and action po,” masayang saad ni Konsehal Jayve.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …