Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheree, tampok na front act sa concert ni Bamboo sa Tate

SUPER-HAPPY ang sexy at talented na si Sheree sa pagiging bahagi niya ng top rating TV series na Kadenang Ginto na pinagbibidahan nina Francine Diaz, Dimples Romana, Beauty Gonzales, Andrea Brillantes, at iba pa. Ayon kay Sheree, nag-e-enjoy siya sa mga ganitong klase ng role na isa siyang maldita o kontrabida.

“Iyong pagiging maldita ang talagang bagay na role sa akin, mas gusto ko iyong kontrabida, kasi ay challenging siya, at the same time rito ko nailalabas iyong mga hindi ko nailalabas sa totoong buhay, hahaha!” Nakata­wang saad niya.

Dagdag ng aktres, “Tsaka kapag kontrabida, parang nasa iyo ang twist din ng story, e. Kaya talagang nandoon iyong challenge.

“So, thankful ako sa mga nasa likod ng Kadenang Ginto at sa ABS CBN sa chance na ibinigay nila sa akin, isang role na maganda. Dapat kasi ay guest lang ako rito, tapos ay nagtuloy-tuloy na. Sobrang thankful ako na napamahal na sa akin ang lahat ng casts, staff, ‘yung mga head namin sa Kadenang Ginto kasi napakasarap ng working relationship namin, sobrang gaan katrabaho ng lahat.

“Sa lahat ng head namin, Roldeo T. Endrinal (Head of Dreamscape Entertainment), Production Manager, Carlina Dela Merced, Executive In-Charge of Creatives: Rondel P. Lindayag, sa EP namin na si Ms. Cathy Magdael Abarrondo at sa lahat ng directors dito sina Direk Jerry Lopez Sineneng at Jojo Saguin, thank you po,” aniya pa.

Samantala, ilalabas ni Sheree ang kanyang talento sa music sa concert ni Bamboo na pinama­gatang Una Mas Bam­boo. Ito ay gaganapin sa September 6, 9 pm sa Rio Cantina Club, Sterling Virginia, USA.

Ayon kay Sheree, first love niya talaga ang singing at ang music… kaya dapat i-expect ng manonood dito ang night of fun and sexy show. Marahil hindi alam ng iba na bukod sa pagiging talent ng Viva Artist Agency, si Sheree ay isang  astig na singer, composer, DJ, pole dancer, at painter.

Bukod kay Sheree, kabilang sa guests ni Bamboo sa show ang Friction Live, Artificial Cliche, Bridal Tragedy, Cimmonti, Beyond Oceans, Jay, Malen, Maggie, Raquel Arellano at Francois. Ang tickets ay $110 sa VIP at $80.00 para sa general admission. Para sa tickets sales, pls. contact 571-552-1387 Florence, 703-989-6221 Niko, 703-951-2487 Shiha, 202-257-1508 David, at 703-615-0190 Malen.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …