SA sobrang ‘lalim’ ‘e hindi maarok ng inyong lingkod ang pagnanais ni senator-elect Francis “Tol” Tolentino na magdagdag ng isang bituin sa watawat ng Filipinas para katawanin umano ang Benham Rise.
Aniya sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Davao City bilang panauhin…
“I propose a fourth star to the Philippine flag. A fourth star to reflect the Benham Rise, the future Philippines, the future land of the next generation of Filipinos,” aniya.
Dumarami na ang miyembro ng ‘liga’ ng malalalim mag-isip sa Senado.
Noong isang taon, ang mungkahi mula sa Senado ay dagdagan ng isa pang sinag ang araw sa watawat. Mula sa walo ay gawing siyam bilang representasyon ng Mindanao. Mukhang hindi naintindihan ng nagmungkahi na ang tatlong bituin ay kumakatawan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
May mungkahi rin dati si Tito Sen na palitan ang ilang linya sa Lupang Hinirang — ang Pambansang Awit ng Filipinas.
Ibang klase talaga ang ‘henyo’ ng Wanbol University na napadpad sa Senado.
Mabuti na lamang at napayohan kaya umatras na rin sa kanyang kalokohan.
Anyway, unsolicoted advice lang po, senator-elect Francis “Tol” Tolentino, pahinga po muna kayo at unahin muna ang pagsasaaayos at pagpapasa ng inyong SOCE, bago mag-isip ng mga ‘kagila-gilalas’ na mungkahi.
Mukhang ‘hilo’ at ‘pagod’ pa kayo sa pangangampanya nitong nakaraang eleksiyon.
Tapos biglang natapos ang eleksiyon at nahinto ang inyong mga aktibidad kaya mukhang pinananahanan ngayon ng kung ano-anong agiw ang inyong isipan.
Sabi nga, “to do nothing is tiresome, one can never stop and take a rest.”
Kaya please lang, relax lang muna Sir!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap