NAGPAPASALAMAT si Andrew Gan sa magagandang role na natotoka sa kanya lately. Isa na rito ang guesting niya sa Wish Ko Lang last Saturday na pinagbidahan ni Yasmien Kurdi.
First time siyang gumanap na kontrabida rito na ganoon katindi ang charcter, three times ni-rape si Yasmien. Kaya naman aminado si Andrew na sobra siyang na-challenge sa kanyang role rito.
Sinong kontrabida ang naging peg niya rito? “Si Joker! Hahahaha! Heath Ledger tito!” Nakatawang sambit niya.
Dagdag ni Andrew, “Actually wala naman siya sa script. Pero naisip ko, ayaw kong maging the usual na kontrabida, gusto kong malagyan ng different flavor. Kaya kinausap ko si direk Rember. Good thing he is very open sa suggestions at tinulungan din niya ako.
“Actually, challenging ang kontrabida, kasi never pa naman akong naging kontrabida na ganoon kalala, so bago sa akin. Mas masarap maging villain kasi mas malawak ‘yung range na puwede mong gawin. Tapos psychotic pa na mamamatay tao. Iyong character na ganoon… generic lang kasi siya na goons.”
Mapapanood din very soon si Andrew sa Dear Uge, sa ibang klaseng romcom kapareha si Cai Cortez. ”Si Cai, very generous when it comes sa scenes. Marami kang mapupulot sa kanya,” aniya. Pahabol ni Andrew, “Thankful ako sa mga project at sa chance na ibinibigay sa akin. Kaya sabi ko sa sarili ko, every project, every role, at every scene na gagawin ko, isasapuso ko, maliit man or malaki ‘yung role.”
Si Andrew ay bahagi rin ng Batang Poz sa iWant ng Dreamscape at sa horror series na Cuerpo Y Alma.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio