INIHAYAG ni Senador Cynthia Villar na suportado ng Nacionalista Party (NP) ang kandidatura ni Taguig Cong. Alan Cayetano bilang speaker ng Kamara.
Sa isang panayam sa radyo, inihayag ni Villar na susuportahan ng partido ang speakership bid ni Cayetano.
Sinabi ni Villar na assuming all is equal, siyempre ang mga Nacionalista will go with Alan Cayetano.
Si Villar ang number 1 senator sa katatapos na May 13 elections at misis ni Manny Villar na presidente ng Nacionalista Party.
Naunang sinabi ni Cong. ElRay Villafuerte, isang NP stalwart na determinado ang NP na tindigan at suportahan si Cayetano lalo ang prinsipyadong kampanya nito sa speakership race sa likod ng mga alingasngas ng vote-buying sa kamara.
Sinabi ni Villafuerte, hindi matatawaran ang kakayahan at karanasan ni Cayetano dahil sa mga posisyong hinawakan sa larangan ng paglilingkod sa bayan. Mula sa pagiging konsehal, kongresista, senador at pagiging miyembro ng gabinete.
Bukod pa rito ang siyento porsiyentong suporta ni Cayetano sa mga adhikain at programa ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kapakanan ng taongbayan.
Bukod sa NP, nagpahayag na rin ang National Unity Party (NUP) na si Cayetano ang susuportahang speaker dahil siya ay mapagkakatiwalaan at masasandalan ng mga kongresista.
Hindi pa kasama sa bilang ng mga sumusuporta kay Cayetano ang mga kongresista mula sa ibang partido at party-list group na nagpahayag na ng “oo” kay Cayetano bilang speaker ng kamara.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap