Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Cayetano, suportado ng Nacionalista Party sa Speakership

INIHAYAG ni Senador Cynthia Villar na suportado ng Nacionalista Party (NP) ang kandidatura ni Taguig Cong. Alan Cayetano bilang speaker ng Kamara.

Sa isang panayam sa radyo, inihayag ni Villar na susuportahan ng partido ang speakership bid ni Cayetano. 

Sinabi ni Villar na assuming all is equal, siyempre ang mga Nacionalista will go with Alan Cayetano.

Si Villar ang number 1 senator sa katatapos na May 13 elections at misis ni Manny Villar na presidente ng Nacionalista Party.

Naunang sinabi ni Cong. ElRay Villafuerte, isang NP stalwart na determinado ang NP na tindigan at suportahan si Cayetano lalo ang prinsipyadong kampanya nito sa speakership race sa likod ng mga alingasngas ng vote-buying sa kamara.

Sinabi ni Villafuerte, hindi matatawaran ang kakayahan at karanasan ni Cayetano dahil sa mga posisyong hinawakan sa larangan ng paglilingkod sa bayan. Mula sa pagiging konsehal, kongresista, senador at pagiging miyembro ng gabinete.

Bukod pa rito ang siyento porsiyentong suporta ni Cayetano sa mga adhikain at programa ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kapakanan ng taongbayan.

Bukod sa NP, nagpahayag na rin ang National Unity Party (NUP) na si Cayetano ang susuportahang speaker dahil siya ay mapagkakatiwalaan at masasandalan ng mga kongresista.

Hindi pa kasama sa bilang ng mga sumusuporta kay Cayetano ang mga kongresista mula sa ibang partido at party-list group na nagpahayag na ng “oo” kay Cayetano bilang speaker ng kamara.

 

ROMERO TILA NABASTOS
SA PAPOGI NI PBA PARTYLIST
REP. JERICHO NOGRALES

PRESIDENTE si 1Pacman Partylist Rep. Mikee Romero ng Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI), o ang samahan ng mga party-list sa Kamara, kaya nakapagtataka na isang press release ang ipinalabas sa tanggapan ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles na nagsasabing dalawa na lamang ang pinagpipilian ng koalisyon para sa House Speakership — sa pagitan umano nina Leyte Rep. Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Walang mali kung sabihin man agad ni Nograles ang napili ng kanilang koalisyon pero ang mali ay itinanggi ito mismo ni Romero.

Nagmukha tuloy na alam na ni Nograles na dalawa na lang ang kanilang pinagpipilian sa Speakership gayong ang sagot naman ni Romero ay hindi pa sila nagpupulong ukol dito, sa katunayan umano ay sa susunud na Linggo pa ito tatalakayin.

Ano ang ibig sabihin nito?

May alam ba si Nograles na hindi alam ni Romero gayong siya ang Pesidente ng PCFI? O nagpapapogi lang si Nograles kina Velasco at Romualdez?

Anoman ang dahilan ni Nograles mali na unahan niya ang kanyang mga ka-partylist, gayong wala pa silang meeting. Lumabas tuloy na fake news ang press release ni Nograles kasi kinontra ito ni Romero.

Patuloy ang ugong ng vote buying sa Speakership at hindi mamatay-matay na pino­pondohan ng isang business tycoon ang kan­didatura ni Velasco.

Sa umpisa pa lang ay makikita na ang suporta ng negosyante kay Velasco, nabatid na nang magkaroon ng session break ang Kamara nitong Mayo, namigay ng cellphone at loot bags si Velasco sa mga kapwa mambabatas, na tila pahiwatig ng kanyang pagtakbo sa Speakership.

Ang business tycoon ang sinasabing key player sa House Speakership race ni Velasco na ang asawa na si  Gwen ay tinuturing na anak-anakan ng kanyang ‘sponsor’ at siya rin nagma-manage ng ilang negosyo nito.

Tinukoy din ang tycoon na may ‘bid’ sa 53% o nasa P1.59T sa P3T halaga ng major infrastracture projects sa Build Build Build Program kabilang dito ang P735-B airport sa Bulacan; P338.8-B Manila Bay Integrated Flood Control, Coastal Defense and Expressway Project, at P554-B Expansion ng Metro Manila Skyway and the South Luzon Expressway(SLEX). 

Bukod sa apat na Major Public Private Partnership Projects sa ilalim noon ng Aquino administration, naging proyekto din ng tycoon ang SLEX at TPLEX toll road projects, NAIA runway expansion at multibillion Bulacan Water project. 

Maging ilang political analyst ay nangangamba sa magiging impluwensiya ng tycoon sa Kamara sa oras na si Velasco ang maging House Speaker dahil tiyak na mapoproteksiyonan ang interes niya, kasama rito ang hindi pagbabayad ng malaking pagkakautang sa state owned Power Sector Asset and Liabilities Management (PSALM).

Matagal na umanong sinisingil ang tycoon sa malaking pagkakautang ngunit nagawa niyang makakuha ng injunction sa Korte kaya naantala ang pagbabayad.

Matatandaan na ang mga negosyanteng sina Lucio Tan at Roberto Ongpin ay nagbayad ng kanilang utang sa buwis sa gobyerno ngunit tanging ang tycoon, ang negosyanteng may malaking utang ang hanggang ngayon ay nakaliligtas, paano na lamang kung nakasandal na siya sa susunod na House Speaker?

Arayko!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *