Monday , November 25 2024

Andrea del Rosario, proud na napapanood na sa Netflix ang mga pelikulang Maria at Aurora

IPINAHAYAG ni Andrea del Rosario ang kagalakan na ang mga pelikulang tulad ng Maria at Aurora ay napapanood na rin sa Netflix, na sikat na sikat ngayon.

Tampok si Cristine Reyes sa Maria, samantala, si Anne Curtis naman ang nagbida sa Aurora. Kapwa bahagi ng naturang pelikula si Andrea.

“I’m so proud of the Filipinos, super talented and talagang international standard na ang mga nagagawa nating movies. Super-lucky na naisama ako sa mga movies na ito,” sambit ng aktres na nasa pangangalaga ng Viva Artist Agency.

Nabang­git din ni Ms. Andrea na nanghi­hinayang siya na hindi nagawa ang Los Bastardos sa Kapamilya Network.

“Yes, because this is with director Bayani na isa sa magagaling na directors na nakatrabaho ko na, unfortunately it’s because of conflict in schedule. I had sessions sa Batangas every Wednesdays and initial schedule of the show was MWF. So, I had to turn it down.”

Ano ang reaction niya na hindi siya pinalad sa nakaraang elections? “Still thankful that I had the opportunity to serve! I met and made some amazing people along the way. But things happen for a reason. Since my bread and butter is still showbiz and Bea is still too young and studies in Manila… since I started going back and forth Calatagan for more than five years – I started years before I first campaigned, and to top it all, during my term I had a medical issue na somehow had to be prioritized.

“So it was quite a challenging term for me. What is important to me is that I was able to show some of my supporters and friends that I didn’t leave them and that we tried. And most importantly, I can focus on Bea’s needs now. What I learned is respect for the public service industry. When you are in this industry, you have to do a lot of sacrifices. The needs of the people comes first before your family’s and your own. I fully accept the outcome and just excited for Gods plan for Bea and I.

“Summary is that, I wasn’t suppose to run anymore, but did it for the people,” seryosong pahayag ng aktres/public servant.

Ibig bang sabihin ay mas magfo-focus na siya showbiz? “May politics din sa showbiz at may showbiz din sa politics, but showbiz is not as crazy as politics! Joke, hahaha! Showbiz is why I am where I am right now, so I will be forever grateful. Kahit ganoon kagulo ang showbiz, I will always love this industry and only hope to stay in it for as long as I can,” nakangiting sambit ni Ms. Andrea.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *