Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Playgirls, magpapasilip ng alindog sa Kalye 146 Restaurant & Bar

MAGPAPASILIP ng alin­dog ang grupong Playgirls sa show nilang gaganapin sa June 16, 2019, Sunday, 8pm sa Kalye 146 Restaurant & Bar sa Barangay Mayamot, Sumulong, Antipolo City.

Ang Playgirls ay maituturing na most contro­versial female group na binubuo ng limang naggagandahan at nagsekseksihang hot na hot na babes.

Minsan silang napanood sa Pilipinas Got Talent 2018 bilang carwash girls na hindi nagustuhan ni Angel Locsin at Vice Ganda ang kanilang ipinakitang talent, pero sa panig ng mga kalalakihan naman ay ipinaglaban at ipinagtanggol sila. Pasado sa panlasa ni Robin Padilla ang ginawa rito ng Playgirls. Minsan din gumawa ng eksena ang grupo nang pinag-usapan sila sa birthday ng isang congressman na napanood sa TV Patrol at pinagpiyestahan ng bashers dahil sa kalaswaan daw na ginawa nila.

Ganyan kalakas ang kani­lang karisma at kagandahan sa mga kalalakihan. Ibang-iba sila kapag nasa entablado, sigu­radong aatakehin ang iba sa gagawin nila sa kanilang viewers sa live shows nila! Wala rin pakialam ang Playgirls kung anomang parte ng katawan ng viewers nilang barako ang mahawakan nila, basta ang mahalaga ay ma-entertain ang kanilang audience.

Huwag na huwag palag­pasin na mapanood sila sa June 16, 2019, Sunday sa Kalye 146 Restaurant & Bar sa Antipolo City. Ticket Price is @Php 250, plus 1 free drink. Siguradong hindi mapapahiya ang manager nilang si Michael Tupaz sa taglay na alindog ng Playgirls at uuwing may may ngiti sa labi ang lahat ng manonood nito.

For sponsorship & tickets, please text or call Ria De Guzman at 09156089374.x

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …