Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Las Piñas, da best na lungsod sa MM

SA Metro Manila, bukod tanging ang local govern­ment ng Las Piñas City (LPC) lamang ang tila walang hilig magtambol ng mga isinusulong na programa at ipinatutupad na proyekto sa media.

Pero lingid sa kaa­laman ng marami, ang LPC na ilang dekada nang pinamumunuan ng pamilya Aguilar ay maituturing na modelong lungsod sa Metro Manila na dapat tularan.

Mula sa ilang matata­gal nang residente na ating nakahuntahan ang nagsabi na ang matino at maayos na pamamalakad ang nagsisilbing matatag na pundasyon ng mga Aguilar sa lungsod.

Sa LPC ay awtomatiko ang mga pribilehiyo sa mga residente at mamamayan, ‘di tulad sa ibang lungsod na malaking abala ang pagdaan sa mga proseso.

Halimbawa, tuwing pasukan ay kusang ipina­tutupad ng mga pribadong paaralan sa lungsod ang ayuda ng pamahalaang lungsod sa mga mag-aaral at hindi hinahanapan ng kung ano-anong rekisitos.

Agad nang isinasama ng mga pribadong paaralan ang ayuda ng pamahalaang lokal sa tuition fee ng mga residenteng mag-aaral tuwing pasukan.

Para sa enrollees mula sa pampublikong elementarya ay halagang P20,000 ang ayuda ng pamahalaang lungsod kada mag-aaral na lilipat sa pribadong paaralan, hanggang high school at kolehiyo.

Sa mga dati at muling papasok sa pribadong paaralan o unibersidad sa lungsod ay matik na P18,000 ang ayuda sa kada mag-aaral, walang anomang requirements na hahanapin maliban sa report card na talagang kailangan saan mang paaralan.

Ang mga pasyente at may karamdaman, tulad sa educational cash assistance, ay kusang idaragdag ng mga pribadong ospital ang halagang P20,000 na ayuda ng lungsod.

Disiplinado rin ang nakararaming residente at mamamayan ng lungsod dahil sa maayos na pagpapatupad ng batas-trapiko.

Hindi maiiwasan na may mga oras talaga na mabigat ang trapiko sanhi ng makitid na kalsada ng Alabang-Zapote Rd., matiyagang pinanga­ngasiwaan ng local traffic enforcers ang kanilang trabaho sa buong maghapon at kadalasa’y ginagabi sa pagtupad ng tungkulin.

Wala pa akong nabalitaan, ni minsan, na sinomang motoristang residente ng LPC ang kinotongan ng magagalang din na local enforcers.

Wala rin negosyante o establisimiyento ang nabalitang naprehuwisyo para matarahan ng ‘pulis’ sa LPC.

Kompara sa mga katabing lungsod ay mababa rin ang krimen sa LPC.

Ang pagkumpuni at paghuhukay sa mga pangunahing kalsada ng lungsod ay nakakatulad sa bansang Japan na pinapayagan lamang ng pamahalaang lungsod sa hatinggabi maisagawa upang hindi makaprehuwisyo sa trapiko.

Basta’t residente ng LPC, P2 ang rebate o tipid na ibabalik sa motorists sa kada litro na ikakargang krudo at gasolina.

Kaya naman pala disiplinado ang mga mama­mayan ng lungsod ay dahil na rin sa tunay na pag­papahalaga ng lokal na pamahalaan sa kanyang nasasakupan.

Hindi pinapayagan ng mga Aguilar na maprehuwisyo ang mga mamamayan ng LPC tulad sa ibang katabing lungsod.

Maging sa mga transaksiyon sa City Hall, tulad sa pagbabayad ng amilyar, ay may maayos na sistema, hindi magulo at walang pakalat-kalat na fixer kaya lahat ng lalakarin ay mabilis natatapos ng residente at mamamayan.

Marami pang ehemplo na mapupulot sa LPC para pagtularan pero sa ibang pagkakataon na natin muling maibabahagi.

Sa LPC, walang illegal vendors at illegal terminal ng mga sasakyan.

Kaya’t ako man ang botante ay paulit-ulit at hindi ko pagsasawaang iboto ang mga Aguilar ng LPC.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …