Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, ang anak na si Sophia na lang ang ima-manage

OUT na muna sa pagma-manage ang Comedy Queen at lead actress ng inaabangang, Feelennial (Feeling Millennial) ng Cignal Entertainment at DSL Events and Production Inc.  na pag-aari ng Concert Queen, Pops Fernandez at mapapanood na sa June 19 at idinirehe ni Rechie Del Carmen.

Tsika ni Ai Ai, ”Hindi muna (mag-aalaga). Maraming nagpapa-manage sa akin. Maliiit na bata, mga cute. Si Sancho, kay Tita June (Torejon) naman ‘yun.

“Si Sophia, ‘yun ang mina-manage ko, anak ko naman siya eh. Si Sophia kasi, gusto lang niyang mag-artista na walang interview, kaya ayaw niyang pinakikialaman. 

“Ayaw niya ng mga salitang hindi maganda, ‘yung sisiraan ka sa social media, ‘yung bina-bash ka.

“Ayaw niya ng ganoon kasi feeling niya ay nagtatrabaho lang naman siya, ba’t kailangang pagsalitaan siya ng kung mga ano-ano.”

Mas pagtutuunan na lang ng pansin ni Ai Ai ang kanyang career at ang kanyang pamilya kaysa pumasok pa ulit sa pagma-manage ng talents na sumakit lang ang ul at nagdulot ng sama ng loob sa kanya.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …