Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rhed at Alliyah, pasok sa Mannix Carancho Artist & Talents Management

LEVEL-UP na ang kilalang businessman at owner ng Prestige beauty brand na si Mannix Carancho dahil nagtayo siya ng Mannix Carancho Artist and Talent Management. Unang batch ng kanilang artists ay mga talented na sina Alliyah Cadeliña at child star na si Rhed Bustamante. Katuwang ni Mannix sa Talent Management venture na ito ang PR & Marketing Consultant ng Prestige na si Amanda Salas.

Si Alliyah ay kasalukuyang Tawag ng Tanghalan semi-finalist, samantala si Red ay napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano na tinatampukan ni Coco Martin.

Madrama ang life story ni Rhed na na-discover sa Showtime Babies ng It’s Showtime. Nagbida siya sa TV series na Flor de Liza bilang Liza, naging batang Meg Imperial sa Galema, Anak ni Zuma, at Melay sa Pusong Ligaw. Nagmarka nang husto si Rhed sa 2016 MMFF horror movie ni Erik Matti na Seklusyon at nanalo ng jury award for acting.

Ngunit mula rito, naging matumal ang pagdating ng projects sa kanya, at sa kasamaang palad ay sabay-sabay pa silang nagkasakit ng kanyang mga magulang.

Dito naranasan ng pamilya niya ang maputulan ng koryente at mapalayas sa inuupahang bahay. Kaya napilitan silang magtinda ng kape at tinapay sa tabi ng riles ng tren. Ito ang rason kaya na-feature si Rhed sa Rated K, napansin ni Coco, at napasali sa top rating TV show ng ABS CBN.

Si Alliyah naman, bukod sa pagiging 7-time Tawag ng Tanghalan defending champion ay sumabak na rin sa pag-arte via the movie Finding You ng Regal Entertainment.

Pumirma ng 5-year contract si Alliyah, samantala si Rhed naman ay 2-year contract para sa pangangalaga nina Mannix at Amanda. Ang dalawang bagets ay umaasang sa pamamagitan ng Mannix Carancho Artist and Talent Management, mas magkakaroon sila ng mga project sa showbiz.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …