Monday , November 25 2024

Raffy Tulfo, may tatak na bilang Mr. Public Service

MADALAS na bukambibig, nababasa at nakikita natin sa social media ang ‘Ipa-Tulfo na iyan’ kapag may mga taong pasaway, o abusado at corrupt na government officials and employees. Hindi naman nakapagtataka dahil kilala ang Tulfo Brothers na sina Erwin, Ben, Mon, at Raffy sa pagtulong sa mga nangangailangan at naaapi.

Sa ngayon, si Mr. Raffy Tulfo ay isa sa lead anchors ng TV5 at main anchor sa Aksiyon sa Tanghali. Ang kanyang radio program sa Radyo Singko na Wanted sa Radyo ay patuloy na humahataw sa top position bilang number one radio program sa time slot nito base sa AC Nielsen at Kantar Media.

Si Raffy ay mayroong higit 7 million followers sa Facebook, 4 million subscribers sa Youtube at 450K followers sa Instagram, kaya naman isa siya sa kinikilalang media practitioner na may malawak na tagasubaybay.

Napag-alaman namin na sa araw-araw ay marami tayong kababayan na humihingi ng ayuda sa kanya.

“Everyday… umaabot on a regular basis, umaabot na kami sa 500 complainants. On a slow day, sa peak-Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, 1,500 ang pinaka-minimum,” saad ni Sir Raffy.

Paano nila pinipili ang mga dapat tulungan?

“Mayroon akong mga staff na pinipili ‘yung complainants, kasi ‘di naman puwede lahat ‘yun. Halimbawa, isang libo –‘i puwede… So ‘yung mga kayang bigyan ng referral letter, bigyan ng referral letter. Pero naka-stand-by ‘yung mga staff namin, kapag halimbawa ‘di i-honor ‘yung referral letter, may mga staff kami na tatawag sa kanila na, ‘O sir, ‘wag n’yo na hintayin na kayo po’y mao-on air at masasabi po ang inyong kawa­lang­hiyaan.’ Magbabayad agad sila.

“So, ‘pag may mga kasong kayang ayusin by referral letter, we give our letter. ‘Pag may mabibigat na kaso, ino-on air namin,” aniya.

Ano’ng reaction niya kapag sinasabi ng netizens na-iTulfo na ‘yan?’ Although may mga kapatid naman akong iba, nandiyan naman si Erwin, si Ben. ‘Yung iba nagsusumbong din kay Ben, kay Erwin. Pero palagi sa akin. Kasi I really take care of my complainants. Inaalagaan ko, pinapameryenda ko, pinapakain ko, binibigyan ko ng pa(ma)sahe. Pinapa-hotel ko pa ‘pag galing sa malayong lugar. Pero pinipili ko kasi ‘pag hindi – ‘yung iba mag­sisinungaling magkapera lang. So ingat din kami.”

Idinagdag ni Mr. Raffy na kapag mababa ang dami nang mga natu­tulu­ngan nila, hindi raw siya mapa­kali at hindi siya makatulog nang maayos. Patu­nay lang na dapat talaga siyang tawaging Mr. Public Service.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *