Sunday , December 22 2024

NAIA Terminal 2, huwag idahilan ang renobasyon sa palpak na air conditioning system!

HUMINGI raw ng paumanhin ang general manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa abalang dulot ng rehabi­litasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 2.

Sabi niya: “We sincerely apologize for the inconvenience that the project is causing to all. We seek for more patience and understanding. Once completed, it will be worth all the trouble and discomfort. Konting panahon pa ang hinihiling namin,”

‘Yan daw po ang pahayag ni MIAA general manager Ed Monreal, sabi sa press release.

Ayaw naman nating magmukhang sinu­ngaling si GM Monreal. Pero baka matagal nang hindi naiuulat sa kanya na kahit hindi pa man nagre-renovate sa NAIA Terminal 2 ‘e talagang mainit na ang kanilang air conditioning system.

Hindi ko alam kung pampalamig ba ‘yang naikabit na air conditioning system o heater. O baka naman sauna ‘yan!?

Bwahahaha!

Kidding aside, puwede namang simple lang ang solusyon diyan. Kung hindi kaya ng air conditioning unit nila ngayon, bumili sila ng 2-ton or 3-5 ton capacity na air conditioning units.

Kung wala silang budget, ipa-sponsor nila kay Simon Wong, ang pinakamalaking food concessionaire sa NAIA.

Kawawa naman ang mga pasahero lalo na kapag nagkakaaberya sa luggage carousel (conveyor) at nagkakapatong-patong ang mga bagahe at ang mga pasaherong naghihintay ay nagpapang-abot kaya lalong nararamdaman ang matinding init.

Gaya nang nagyari kamakailan.

E diyan lang sa boarding gate, subukan ninyong maglakad diyan kung hindi pawisan maging ang singit ninyo!

T2 manager Joy Mapanao, kailangan pa bang si GM Monreal ang magresolba ng ganyang problema? Hindi ba’t kaya may mga terminal manager ay para ma-unload ang GM nang sa gayon ay makapag-focus siya sa mas impor­tanteng trabaho niya?!

Aba, kung kayo ay galak na galak, payapa at relax na relax sa loob ng inyong malalamig na opisina, makonsensiya kayo sa mga pasahero (banas na banas at kunsumido sa sistema ninyo) and at the same time ay taxpayers na isa sa mga nagpapasuweldo sa inyo.

Malasakit naman!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *