Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae Salas, proud maging front act ni Nick Vera Perez

SUNOD-SUNOD ang mga show lately ng talented na young recording artist na si Erika Mae Salas. Naging bahagi siya ng benefit show ng group naming TEAM titled Dibdiban na ‘To para sa breast cancer patients ng Philippine Foundation for Breast Care, Inc., na ginanap sa Historia Bar last month.

Dito’y marami ang bumilib sa galing ni Erika Mae sa naturang event lalo na nang kantahin niya ang Buwan. Nagpapasalamat naman siya sa pagiging parte niya ng nasabing benefit show. ”Salamat po sa pag-invite sa akin, napakasaya ko po at naging bahagi ako ng concert na ang layunin ay makapagbigay ng tulong sa breast cancer patients. Thankful din ako na makasama ang mahuhusay na singers sa industriya. Congratulations po sa TEAM!” Sambit ng 17 year old na dalagita.

Dito’y na-starstruck siya sa legendary Filipina actress at nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor. ”Yes po first time kong nakita si Ms. Nora Aunor and hindi nga po ako makapaniwala hanggang ngayon, e.

“Nakaka-starstruck po talaga ang pagdating ng ating one and only superstar na si Ms Nora Aunor. Napaka-humble po niya and I grab the opportunity na makapagpa-picture po sa kanya, kasi napaka-rare po na makita siya sa isang event,” masayang saad niya.

Sa ngayon ay abala pa rin si Erika Mae sa album tour ng Singing Nurse na si Nick Vera Perez na pinamagatang I Am Ready Album Mall and Campus Tours P3 na nagsimula last May 8 at tatagal hanggang June 21, 2019.

Itinuturing niyang isang karangalan na mapabilang sa mga front acts nito. “Isang karangalan po ang mapabilang sa mga front acts ni sir Nick, enjoy po ako, lalo’t napakabait sa amin ni sir Nick.”

Incidentally, ang bagong single ni Erika Mae ay, Ako Nga Ba at out na ito sa mga digital stores under Spoken Words official soundtrack. Ito’y release ng Viva Records at may music video ito na napapanood sa YouTube.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …