Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden Richards, tuloy sa paghataw ang career kahit wala si Maine

MARAMI na ang excited sa tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards na mapapanood sa pelikulang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema. Ang pelikulang sa Hong Kong ginawa ay pinamahalaan ni Direk Cathy Garcia-Molina na ang huling pelikula kay Kath na The Hows of Us ay naging highest grossing local movies of all-time.

Ayon kay Alden, tribute sa mga kababayan natin sa Hong Kong ang kanilang pelikula ni Kathryn. Ipinahayag din niya ang kagalakan sa proyektong ito.

Sambit ng Kapuso actor, “Sobrang saya po, mula director, staff, co-stars to crew, solid po kami. Iyon po siguro ang advantage ng small group, mas nagiging intact.”

Puring-puri rin ng Pambansang Bae ang leading lady ritong si Kath.

“Sobrang dali pong pakisamahan. Wala pong halong kung ano mang PR ang experience ko po sa kanya. Sobrang gaan katrabaho, iyong passion po niya sa ginagawa at iyong inputs niya sa project, mas nakai-inspire,” saad ni Alden sa isang panayam sa kanya.

Positibo ang dating sa publiko ng tila bagong image ni Alden, na pumayat talaga nang husto at mas maganda ang pangangatawan ngayon.

Lately ay nadagdagan ang restaurant business ni Alden sa pagbubukas ng branch niya ng McDonald’s sa Biñan, Laguna. Balik-Eat Bulaga na rin si Alden, kaya masasabing patuloy sa paghataw ang kanyang showbiz career, kahit tila maglalaho na nga ang tandem nila ni Maine Mendoza.

Actually, dapat na maging masaya ang fans nina Alden at Maine sa lagay ng career ng kanilang dalawang idolo. Pati na rin sa personal na buhay ng tambalang Aldub, dahil tila hindi na sikreto ang relasyon nina Maine at ng award-winning Kapamilya aktor na si Arjo Atayde.

Dapat lang na maging happy ang fans nina Alden at Maine, kapag happy din ang kanilang pinakamamahal na dalawang super-idol.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …