Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Vote-buying sa speakership parang apoy na lumalakas sa pagliyab

HINDI pa rin nabubuhusan ng malamig na tubig ang ‘usok’ na ‘mansa-mansanans’ pa rin ang bilihan ng boto sa House of Representatives, na napakainit ng laban kung sino ang susunod na Speaker of the House.

Sinabi ng isang mapagkakatiwalaang source, kumakalat ang text messages na hinihimok ang bawat mambabatas na dumalo sa isang meeting at doon iaalok ang presyo kapalit ng kanilang boto.

“Good morning po Cong. This is Atty. Bighani Sipin, Cong. Lord Velasco’s Chief of Staff. We would like to invite you to a short meeting at JCPC, Penthouse, Ramon Mitra Building, House of Representatives on June 30, Monday anytime between 10 am to 5 pm. Your presence will be greatly appreciated. Kindly confirm if you can make it. Salamat,” sinabi pa sa text message.

Si Velasco ang isa sa nagnanais na maging susunod na Speaker.

Nauna rito, may media report na nagsasabi na ang kampo ni Velasco ang nag-aalok ng P1 milyon bawat boto ng mambabatas, mas doble sa halaga na iniaalok umano ng kampo ni Rep. Martin Romualdez, isa pang naghahangad na maging Speaker.

Si Velasco ang suportado at manok umano ni Elenita Go, na nangangasiwa sa Ilijan gas-fired power plant sa Batangas City. Ang Ilijan plant ang isa sa mga may pinakamataas na utang sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp., sa halagang P19.75 billion.

“It seems some Speaker hopefuls are so desperate they resort to this abominable practice that destroys the sanctity of the vote, and the Speaker post,” saad ng source.

Dagdag ng source, mas nakasusuklam ang lantaran at harapang vote buying na ginagawa sa mismong loob ng iginagalang na institusyon ng Kongreso.

“Shame on them, really. Shame on them,” wika ng source.

 

NAIA T2 PARANG PUGON
SA TINDI NG INIT SA ARRIVAL
AT DEPARTURE AREAS
(ATTN: JOY MAPANAO)

GRABENG init at banas pa rin ang nararam­daman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City ng mga pasahero.

Labis nating ipinagtataka kung bakit hina­hayaan ng mga awtoridad na ganito ang mara­nasan ng mga pasaherong nagbabayad ng terminal fee sa nasabing airport.

Gusto natin ipaalala kay NAIA T2 manager Joy Mapanao na hindi barya ang ibinabayad na terminal fee ng mga pasahero na dumaraan diyan sa paliparan na kayo ang namamahala.

Kung ang mga Pinoy nga na sanay sa mainit at mabanas na panahon ay umaangal, ‘yun pa kayang mga foreigner na galing sa malalamig na bansa ang hindi magrereklamo?!

Sabi nga ng isang turista… “Watta fucking heat!”

‘Yung init ng panahon, kahit ilang beses pang ireklamo ng mga Pinoy at turista ‘yan, wala tayong magagawa. Talagang panahon ng tag-init ‘e, lalo na kung nasa labas ng NAIA.

Pero ‘yung mainit sa loob ng NAIA Terminal 2, ibang klase na ‘yan Madam Joy Mapanao. Dapat umaaksiyon ka na riyan sa problemang ‘yan.

Aba, maraming puwedeng mangyari kapag mainit sa loob ng isang kulob na gusali.

Puwedeng atakehin sa puso ang isang taong hindi kaya ang sobrang init. Puwedeng mayroong magwala dahil sa sobrang pagkabanas na pinagmumulan ng iritasyon.

Puwedeng mag-overheat ang ilang de-koryenteng kagamitan lalo ang mga desktop personal computer dahil hindi nga sapat ang pagpapalamig sa lugar.

Sa madaling sabi, napaka-hazardous kung hindi reresolbahin ni Madam Joy Mapanao ang grabeng init at nakababanas na  kondisyon sa loob ng NAIA T2.

Dagdag pa init ng sandamakmak na food stalls. ‘Yan ang alaga ninyo dahil sa tongpats

Madam Joy, baka riyan ‘pumanaw’ ang karera ninyo kung hindi ninyo aasikasohin ang problemang ‘yan sa NAIA Terminal 2 na supposedly ay iyong dapat resolbahin?

Remember, araw-araw, hindi lang 1,000 pasahero ang umaalis at nagbabayad ng terminal fee, hindi ba ninyo magamit ‘yan para paigihin ang air conditioning unit ng NAIA Terminal 2?!

Parang lumalabis ang ‘kapal ng mukha’ ng mga opisyal diyan sa NAIA Terminal 2?!

Ganoon ba ‘yun?!

Totoo bang ang gusto lang ng NAIA T2 ay sumahod nang sumahod o mangolekta nang mangolekta ng terminal fee pero wala silang paki sa ikagiginhawa ng mga pasahero?!

How about Philippine Airlines (PAL), wala rin ba silang paki sa kalagayan ngayon ng NAIA Terminal 2?

Aba, mukhang may mga dapat ipaliwanag ang ‘yunit ninyo Ms. Joy panawan ‘este Mapanao?!

Paging PAL!

Ops teka muna, kung inaakala ninyong ‘yan lang ang kalbaryo sa NAIA Terminal 2, nag­kakamali kayo.

Noong isang gabi lang, nang magdatingan ang ilang entourage ni Pangulo Rodrigo Duterte mula sa Japan, nabistong iisang conveyor lang ang gumagana sa arrival ng NAIA T2.

Takang-taka na ang mga pasahero kung bakit napakatagal lalo na ‘yung mga entourage ng Pangulo. Ayaw naman sabihin ng mga flight crew kung bakit parang na-stranded na ang eropleano.

Hay naku!

Ang akala natin ay ‘yan lang ang may aberya sa NAIA Terminal 2, ‘yun pala, hindi rin handa sa malalang bagyo ang nasabing terminal?!

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *