Sunday , December 22 2024

NAIA T2 parang pugon sa tindi ng init sa arrival at departure areas (Attn: Joy Mapanao)

GRABENG init at banas pa rin ang nararam­daman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City ng mga pasahero.

Labis nating ipinagtataka kung bakit hina­hayaan ng mga awtoridad na ganito ang mara­nasan ng mga pasaherong nagbabayad ng terminal fee sa nasabing airport.

Gusto natin ipaalala kay NAIA T2 manager Joy Mapanao na hindi barya ang ibinabayad na terminal fee ng mga pasahero na dumaraan diyan sa paliparan na kayo ang namamahala.

Kung ang mga Pinoy nga na sanay sa mainit at mabanas na panahon ay umaangal, ‘yun pa kayang mga foreigner na galing sa malalamig na bansa ang hindi magrereklamo?!

Sabi nga ng isang turista… “Watta fucking heat!”

‘Yung init ng panahon, kahit ilang beses pang ireklamo ng mga Pinoy at turista ‘yan, wala tayong magagawa. Talagang panahon ng tag-init ‘e, lalo na kung nasa labas ng NAIA.

Pero ‘yung mainit sa loob ng NAIA Terminal 2, ibang klase na ‘yan Madam Joy Mapanao. Dapat umaaksiyon ka na riyan sa problemang ‘yan.

Aba, maraming puwedeng mangyari kapag mainit sa loob ng isang kulob na gusali.

Puwedeng atakehin sa puso ang isang taong hindi kaya ang sobrang init. Puwedeng mayroong magwala dahil sa sobrang pagkabanas na pinagmumulan ng iritasyon.

Puwedeng mag-overheat ang ilang de-koryenteng kagamitan lalo ang mga desktop personal computer dahil hindi nga sapat ang pagpapalamig sa lugar.

Sa madaling sabi, napaka-hazardous kung hindi reresolbahin ni Madam Joy Mapanao ang grabeng init at nakababanas na  kondisyon sa loob ng NAIA T2.

Dagdag pa init ng sandamakmak na food stalls. ‘Yan ang alaga ninyo dahil sa tongpats

Madam Joy, baka riyan ‘pumanaw’ ang karera ninyo kung hindi ninyo aasikasohin ang problemang ‘yan sa NAIA Terminal 2 na supposedly ay iyong dapat resolbahin?

Remember, araw-araw, hindi lang 1,000 pasahero ang umaalis at nagbabayad ng terminal fee, hindi ba ninyo magamit ‘yan para paigihin ang air conditioning unit ng NAIA Terminal 2?!

Parang lumalabis ang ‘kapal ng mukha’ ng mga opisyal diyan sa NAIA Terminal 2?!

Ganoon ba ‘yun?!

Totoo bang ang gusto lang ng NAIA T2 ay sumahod nang sumahod o mangolekta nang mangolekta ng terminal fee pero wala silang paki sa ikagiginhawa ng mga pasahero?!

How about Philippine Airlines (PAL), wala rin ba silang paki sa kalagayan ngayon ng NAIA Terminal 2?

Aba, mukhang may mga dapat ipaliwanag ang ‘yunit ninyo Ms. Joy panawan ‘este Mapanao?!

Paging PAL!

Ops teka muna, kung inaakala ninyong ‘yan lang ang kalbaryo sa NAIA Terminal 2, nag­kakamali kayo.

Noong isang gabi lang, nang magdatingan ang ilang entourage ni Pangulo Rodrigo Duterte mula sa Japan, nabistong iisang conveyor lang ang gumagana sa arrival ng NAIA T2.

Takang-taka na ang mga pasahero kung bakit napakatagal lalo na ‘yung mga entourage ng Pangulo. Ayaw naman sabihin ng mga flight crew kung bakit parang na-stranded na ang eropleano.

Hay naku!

Ang akala natin ay ‘yan lang ang may aberya sa NAIA Terminal 2, ‘yun pala, hindi rin handa sa malalang bagyo ang nasabing terminal?!

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *