Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lani, nagpapaka-OA

BATBAT man ng mga kuwento ng pandaraya, tapos na ang eleksiyon.

At sa Magic 12 , nakalusot na nga sa ika-sampung puwesto si Bong Revilla na muntik pang malaglag.

Ang aktibo ngayon sa Twitter on his behalf ay ang literal niyang betterhalf, si Lani Mercado na mayor-reelect sa Bacoor City, Cavite.

Mas ikatutuwa pa ng mga taga-Bacoor kung ang mga ipino-post ni Lani ay mga salita ng pasasalamat sa mga taong muling nagtiwala sa kanya. Ang kaso, hindi.

May hanash siya na hindi raw kailangangang magpaka-mean (read: magpakasama) ang isang tao para lang makakuha ng atensiyon. May tinatawag daw na GMRC sa social media.

Nasasaktan daw kasi siya kapag ikinakabit ang pandarambong kay Bong.  Dahil sa kanyang tinuran, bumuhos ang mga banat kay Lani.

GMRC raw bang maituturing ang kasong kinasangkutan ng kanyang asawa?

Kung tutuusin, si Lani na rin ang nag-imbita ng ikaaalipusta nilang mag-asawa? Mantakin n’yong sa halip na magpaka-magnanimous siya sa pagkapanalo ni Bong ay may GMRC-GMRC pa siyang nalalaman?!

Tumigil ka na, Lani. Labag man sa mas maraming Pinoy ang pagkakapasok ni Bong sa Magic 12 ay wala nang magagawa pa.

Election is over, kaya huwag kang overacting!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …