PAGIGING humble ang iniisyu ng DDS na si Atty. Bruce Rivera kay Pasig Ciy mayor –elect Vico Sotto.
Sa mga hindi nakakakilala sa nasabing abogado, siya ‘yung proud member ng sankabaklaan na nagsusuot ng pambabaeng damit sa kanyang mga video na kunwari’y nagko-concert before an intimate crowd. Lounge singer ang peg.
Siya ‘yung numero unong supporter ng administrasyong Duterte na very close kay Mocha Uson.
At sa kanyang anti-Vico stance, it obviously appears na bilang isang Pasigueno ay ang natalong si Bobby Eusebio na nakalaban ni Vico ang kanyang sinugalan.
Para sa amin, ang hinihinging kababaan ng loob o humility ni Bruce ay mahirap hanapin mula sa nakararaming politiko na pinalad o nakatsamba nitong eleksiyon.
Lahat naman ng mga winner ay may astang parang lutang sa ulap, overwhelmed o proud na nakalusot sila sa kabila ng matinding laban.
Alam natin na hindi lang pader ang binangga ni Vico. Pero natibag niya ito.
Humility is not a virtue na kailangang i-impose sa isang tao. It’s a feeling of self-pride na na-reinforce pa ng sobrang kasiyahan ng mga supporter ng nanalong kandidato.
And therefore, walang masamang ipagmayabang ito except in the case of Lani Mercado na may GMRC reference pang nalalaman gayong may putik na alam niyang isasaboy sa pamilya niya.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III