Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, pinangunahan ang pagbubukas ng bagong BeauteDerm branch sa Iloilo

PINANGUNAHAN ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez and top endorser ng BeauteDerm at ng CEO at president nito na si Ms. Rhea Tan ang pagbubukas ng isa na namang branch ng BeauteDerm na tinawag na BeBeauty.
Naganap ito last Tuesday, May 28, 2019. Ito ay located sa GT Town Center Pavia, Iloilo. Present din sa naturang event ang mga BeauteDerm babies ni Ms. Rhea like Arjo Atayde, Norman Boobay, Sherilyn Reyes-Tan, at Ryle Santiago.
As usual, pinagkaguluhan ng madla ang nasabing celebrity endorsers. Tinilian sina Arjo at Ryle, naghandog ng special number si Sherilyn kasama ang kanyang bunsong anak, at nagpakuwela si Boobay.
Pero special ang kay Ms. Sylvia dahil first time siyang nakita rito ng mga taga-Iloilo na kumanta. Pero ito na bale ang ikalawang pagkakataon na kumanta ang mahusay na aktres, nauna rito ang opening ng BeauteDerm branch sa Cubao.
Sa aming maiksing huntahan, ipinahayag ni Ms. Sylvia na nag-e-enjoy siya sa mga ganitong event ng BeauteDerm.
“Oo naman, kasi masaya,” saad niya sa amin. Dagdag ni Ms. Sylvia, “Hindi naman tayo nangangarap na maging singer, ‘di tayo nangangarap nang hindi natin kaya… Para lang ito magpasaya ng mga tao na nagmamahal sa amin at sumusuporta sa amin, lalo na ‘yung mga suki ng BeauteDerm.”
Samantala, proud na proud at very thankful ang premyadong aktres sa nakuhang nominations ng mga anak na sina Arjo at Ria Atayde sa gaganaping 35th Star Awards For Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa June 2, 2019.
Si Arjo ay nominated bilang Movie Supporting Actor of the Year para sa pelikulang Buy Bust. Si Ria naman ay nominadong Movie Supporting Actress of the Year sa pelikulang The Hows of Us.
Congrats din kay Ms. Sylvia dahil ang pelikulang pinagbibidahan niya titled Jesusa ay pasok sa 2nd Subic Bay International Film Festival (SBIFF) na ang festival directors ay sina Vic V. Vizcocho Jr., at Arlyn Dela Cruz. Ang SBIFF ay magaganap mula June 21 to 23, 2019 at ang iba pang kalahok na pelikula rito ay Rendezvous, Maid In London, 1957, Tell Me Your Dreams, at Kids of War.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …