Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Suhulan sa speakership tumaas pa? ‘Dalawang mansanas’ kada kongresista

PARANG ‘nagpapataasan ng ihi’ ang dalawa sa mga tatakbo bilang Speaker of the House kung ang napapabalitang suhulan at bilihan ng boto ang pag-uusapan.

Mantakin naman ninyo, nagpapirma ng isang manifesto of support si congressman 1 mula sa kabisayaan kapalit ng tumataginting na P500,000 bawat kongresista kahit walang commitment o gustong magpalit kung sino ang iboboto bilang speaker?

Aba’y hindi naman nagpahuli si congressman 2 na sinasabing malapit sa isa sa mga anak ng pangulo at agad na nag-alok ng mas tumataginting na ‘isang mansanans’ o P1 milyon bawat kongresista sa kondisyong siya ang iboboto at nangako pa umanong walang kongresista na hindi mabibigyan ng pondo kahit kalaban pa ng administrasyon.

Akala natin happy na? Siyempre hindi pa rin. Nagpahabol daw si congressman 1 ng padagdag sa kanyang unang bigay na P500,000.

Gagawin niyang ‘dalawang mansanas’ o P2 milyon ang ibibigay bawat kongresista na siguradong boboto sa kanya. Kumbaga, kailangan isangla ng mga kongresista ang kanilang dangal at kaluluwa para makatanggap ng dalawang milyong piso ang bawat isa sa kanila.

Ano na ba talaga ang nangyayari sa Kamara? Bakit tila pera-pera na lang ang lumulutang na usapan sa labanan ng speakership?

Ang tanong, saang balong malalim kinukuha ng dalawang kongresista ang pondong ipamimili nila ng boto? Galing ba ito sa mayayamang negosyante na sumusuporta sa kanila o mula sa mga tagong yaman na unti-unti nang nakakalkal upang maging realidad ang kanilang ambisyong maging speaker na kanilang puhunan sa pagtakbo bilang senador sa 2022?

Nakapangingilabot ang ganitong mga eksena. Hindi ba puwedeng daanin sa kakayahan, galing at liderato ng isang kongresista ang pagiging speaker ng Kamara?

Panawagan sa mga kongresista, huwag ninyong hayaang mapunta sa highest bidder ang liderato ng kamara.

Pumili nang tama!

 

BILYONES NA PONDO
SA BORACAY REHABILITATION
NAPUNTA SA PUTIK AT BAHA

DESMAYADO tayong masyado sa labis na panghihinayang nang makita natin ang matinding bahang nangyari sa Boracay nitong mag-umpisa ang tag-ulan.

Akala natin, maayos na ang Boracay lalo na’t malaking pondo as in bilyones ang ginastos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para latagan ng kalsada at umano’y drainage and sewerage system.

Pero nang mag-umpisa nang umulan ngayong Mayo, ang gina­wang kalsada ng DPWH, lumubog sa baha.

Ayon sa netizens na residente sa Boracay, hindi ito nangyayari sa kanila noong panahon na hindi pa isinailalim sa rehabilitasyon ang Boracay.

Kaya naman takang-taka sila na ngayon pa nangyari ang pagbaha kung kailan may rehabilitasyon.

Anyare Secretary Mark Villar?!

Sana naman ay gawan ninyo agad ng paraan ang nasabing pagbaha sa Boracay.

Mahaba pa ang tag-ulan, kung hindi ito maaayos, tiyak na magdurusa ang mga residente at turista sa Boracay.

Again, paging Secretary Mark Villar!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *