Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel locsin, nag-iisang Action Drama Queen; maaksiyong eksena, wagi sa ratings

WALA pa rin talagang makatatapat na aktres kay Angel Locsin pagdating sa action. Muli, pinatunayan ni Angel ang pagiging Action Drama Queen niya sa The General’s Daughter dahil sa patuloy na papuri mula sa netizens para sa buwis-buhay na mga eksena at stunts niya.
Ang eksenang pagtakas ni Rhian (Angel) mula sa militar para tugisin si Tiago (Tirso Cruz III) ang nakakuha ng national TV rating na 32.4% noong Martes (Mayo 28) laban sa Sahaya na mayroon lamang 20.6%, base sa datos ng Kantar Media.
Tinutukan din ang mga trending na eksena noong Lunes (Mayo 27), tampok ang pag-akyat ni Angel sa building ng walang stunt double, na nagtala ng national TV rating na 31.4% laban sa Sahaya na mayroon lamang 19.3%.
Inulan din ng papuri mula sa netizens ang naturang episodes na sinusundan ang misyon ni Rhian, matapos matuklasang siya ang nawawalang anak nina Marcial (Albert Martinez) at Corazon (Eula Valdez) na si Arabella.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …