Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerome, Barbie, at Jane, pinalakpakan sa Finding You

MASAYA ang lahat ng
lumabas sa
isinagawang premiere night ng Finding You ng Regal Entertainment Inc., sa Cinema 7 ng SM Megamall noong Lunes ng gabi dahil feel good movie at sabi nga’y cute na istorya ng pelikulang pinagbibidahan nina Jerome Ponce, Barbie Imperial, at Jane Oineza.
Ukol sa isang binatang maysakit na hyperthymesia ang ginagampanan ni Jerome. Ito ‘yung sakit na kabaligtaran ng amnesia. Kung paanong lahat ng bagay ay hindi niya nakalilimutan subalit may isang mahalagang pangyayari ang hindi niya maalala.
Graded B ang pelikulang ito ng Cinema Evaluation Board na palabas na ngayon sa mga sinehan.
Bago ang premiere night, sinabihan kami ni Jerome na panoorin ang pelikula dahil maganda ang istorya. At tunay nga, dahil kahit first directorial job ito ni Easy Ferrer, maayos ang pagkakalahad ng istorya gayundin ang pagkakadirehe niya. At siyempre, given na ang galing nina Jerome at Jane. Kaya naman, palakpak ang isinukli ng mga nanood sa mga gumanap at nagdirehe ng Finding You dahil sabi nga, refreshing ang istorya.
Matatawa, maiiyak, at tiyak na makare-relate ang sinumang manonood ng pelikulang ito dahil sa kakaibang twist na mapapaisip ang manonood.
Samantala, all out ang support ng mga magulang ni Jerome sa premiere night. Kasama ng ama ni Jerome na si Jessie Delgado, ang kanyang ina at mga kapatid. Naroon din ang kani-kanilang mga kaibigan tulad nina RK Bagatsing, Fifth Solomon, Jomari Angeles, at Alora Sasam.
Dumating din sina Elmo Magalona, Donny Pangilinan, Heaven Peralejo, Albie Casino, Kokoy de Santos, VJ Mendoza at ang iba pang cast ng Finding You na sina Jon Lucas, Alliyah of Tawag ng Tanghalan, Claire Ruiz, Kate Alejandrino, at Paeng Sudayan.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …