Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Finding You nina Jane Oineza at Jerome Ponce, showing na ngayon

INILINAW ng Kapamilya aktres na si Jane Oineza na hindi sila nagkaroon noon ng relasyon ni Jerome Ponce. Ang dalawa ang lead stars ng pelikulang Finding You ng Regal Films na showing na ngayong araw, May 29.
“Masaya ako kasi nabigyan ulit kami ng opportunity na mag-work together dahil ang last namin ay sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita (NKNKK). Hindi ko akalain na mabibigyan kami ng chance, kaya masaya ako,” wika ni Jane.
Paliwanag ng aktres, “Hindi naman naging kami to begin with, parang hindi lang nag-bloom. Parang puwede nang makarating sa ganoon kasi nag-uusap naman kami… May potential, pero hindi umabot doon.”
Sa ngayon, si Jane ay single dahil mas gusto niyang mag-focus sa kanyang career.
“Walang love life. Nandoon ako sa I found myself at ang gaan, ang sarap ng buhay, ang sarap magtrabaho,” sambit pa niya.
Sa panig ni Jerome, sinabi niyang mula nang nagkatrabaho sila ni Jane noong 2015 ay nanatili silang magkaibigan. “Nanatili kaming magkaibigan, kasi madalas naman kaming nagkikita dahil ‘pag nagkikita kami, nagkukuwentohan nang matagal, tapos nagkakayayaan lumabas with other friends.”
Sa Finding You, ginagampanan ni Jerome ang role ng isang social media journalist na si Nel na may hyperthymesia, na kabaligtaran ng amnesia. Natatandaan lahat ng binata ang mga nangyari sa buhay niya simula nang magkaisip siya. At dahil sa kondisyong ito ni Nel ay hirap siyang makahanap ng mamahalin.
Bride-to-be at bestfriend ni Nel si Kit (Jane), na laging nasa tabi niya sa hirap at ginhawa.
Ang Finding You ay may rating na PG at Graded-B ng Cinema Evaluation Board (CEB). Bukod kina Jerome at Jane, kasama rin sa movie sina Barbie Imperial, Claire Ruiz, Kate Alejandro, Jon Lucas, Paeng Sudayan, at iba pa, mula sa direksiyon ni Easy Ferrer.
Para sa mga karagdagang impormasyon, i-follow ang Regal Entertainment, Inc., sa Facebook, at mag-subscribe sa YouTube channel nito. I-follow din ito sa Twitter: @RegalFilms at Instagram: @RegalFilms50.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …