Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Rhea Tan, umapaw ang ligaya sa idolong si Ms. Korina Sanchez

NAGPAHAYAG nang labis na ligaya ang CEO at President ng BeauteDerm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan nang nakadaupang palad ang tanyag na TV host na si Korina Sanchez.

Aminado ang lady boss ng BeauteDerm na kabilang si Ms. Korina sa hinahangaan at inire­respesto niyang broadcast journalist base sa Facebook post ni Ms. Rhea:

“Iba talaga ang buhay. Sino ang mag-aakala na makakaharap ko ang isa sa mga iniidolo at inirerespesto ko mula pa noong araw. For some­one like me who majored in Mass Com­muni­cations, big deal ang makita at makasama in person ang isa sa pinaka-iconic at pinaka-successful na broadcast journalists sa industriya ng pagbabalita.

She is everything I imagined plus more.

She is kind, loving, thoughtful, and sweet.

Maam K… masyado naman akong maligaya lumulutang pa rin ako actually! Ahihi!

Surely, This will be one of the most exciting adventures of my life. Thank you so much po!”

Anyway, patuloy ang paglago ng Beaute­Derm. Bukod sa pagdami ng branches nila ay patuloy sa pagdami rin ng endorsers ng company ni Ms. Rhea na kinabibilingan nina Ms. Sylvia Sanchez, Marian Rivera, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Jestoni Alarcon, at iba pa. Ang latest celebrity na naging bahagi ng BeauteDerm family ang award winning veteran actress na si Ms. Lorna Tolentino na isang certified icon of beauty.

Ang BeauteDerm isa sa mga pangunahing lider sa beauty and wellness industry ngayon, ay mahalaga para sa kanila ang kaligtasan at pagiging epektibo ng lahat ng mga FDA Notified products. Gumagamit ang Bueatederm ng mga plant-based na sangkap na masusing pinagsama-sama upang makapagbigay ng pinakamabilis at pinaka-epektibong long-term at sustainable na resulta. Isang consistent Superbrands awardee, ilan sa mga flagship brands nito ang Beautederm Skin Sets para sa mukha at sa katawan; Reverie by Beautederm Home na kinabibilangan ng mga koleksiyon ng soy candles at room sprays; at Beautederm perfume collection na kinabibilangan ng Origin Senses perfumes for men among many others – lahat ay pawang top-selling products ngayon sa merkado. Sa kasalukuyan, may mahigit sa 40 physical stores ang Beautederm sa iba’t ibang panig ng bansa at mahigit sa isang daang resellers ‘di lamang dito ngunit sa ibang bansa na rin at mayroon itong mahigit 40 brand ambassadors na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, TV personalities, mang-aawit, beauty queens, politiko, komedyante, at social media influencers.

Incidentally, sa Tuesday, May 28, 2019, 4:00 pm ay magbubukas ang isa na namang branch ng BeauteDerm na tinawag na BeBeauty. Ito ay located sa GT Town Center Pavia, Iloilo. Makikita rito ang mga BeauteDerm babies ni Ms. Rhea like Ms. Sylvia Sanchez, Arjo, Norman Boobay, Sherilyn Reyes-Tan, at Ryle Santiago.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …