Thursday , December 26 2024

House speaker wannabe

SA rami ng pangalang lumulutang para maging sunod na House Speaker, naiiwan sa publiko ang tanong kung ano nga ba ang mga napatunayan o nagawa na ng mga nasabing personalidad para maging karapat-dapat sa puwesto?!
 
Una na ngang nabulgar si reelected Leyte congressman Martin Romualdez matapos ang panibagong pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte. Ito ay matapos itanggi ni Sara na inirekomenda niya sa Speakershi si Romualdez sa House of Representatives ngayong darating na panibagong Kongreso.
 
Nauna nang naramdaman ni Romualdez, na kuha na niya ang endoso ng presidential daughter nang ipakilala siya bilang “next Speaker” sa ginanap na Hugpong ng Pagbabago (HNP) rally noong Marso sa Tacloban City, ang teritoryo ni Romualdez. Ang hindi lamang nalaman ni Romualdez ay pareho rin ginawa ito ni Sara kay Rep. Lord Allan Velasco noong sumunod na araw.
 
Hindi rin siguro naisip ni Romualdez na palagi rin sinasabi ni Sara na ang susunod na Speaker ay dapat na “supportive of the President’s reform agenda.” Kahit na aminin ni Romualdez na siya ay supportive sa Presidente, lumalabas na taliwas ito sa katotohanan.
 
Maaalala na ang Lakas-CMD party, kung saan si Romualdez ang pinuno, ang promotor ng pag-delay ng approval ng 2019 national budget sa House dahil sa mga tinaguriang illegal post-ratification realignments sa budget sa kabila na aprobado na ito ng Senado sa bicameral conference committee.
 
Ito ang naging dahilan kung bakit sinabi ni President Rodrigo Duterte na hindi niya pipirmahan ang “illegal document” na nauwi na veto ng Palasyo sa mga provisions na isiningit ng Andaya group.
 
Kung talagang suportado ni Romualdez ang Presidente ay puwede niyang pigilan ang kanyang mga kapartido at alyado ngunit hindi niya ito ginawa.
 
Para naman kay Velasco, bigla na lamang umusbong mula sa kawalan ang pangalan, ipinangalandakan niya ang kanyang umano’y malapit na kaibigan sa mga pamilya ni Duterte.
 
Mayroon pa siyang mga post ng retrato niya at ng kanyang asawa kay Duterte sa Malacañang noong 17 Mayo, at naglabas ng mga retrato ng birthday celebration ng Presidente na siya ang nag-sponsor umano. Masyadong nagpapalakas ‘ata sa Presidente.
 
Hindi naisip ni Velasco na ang kakayahan at kapasidad ng isang Speaker ay hindi nakasandal sa mga retrato o kung sino ang mga tao na kasama mo kundi sa karunungan at kaalaman na magpatakbo ng isang kongreso na matapat, epektibo at para sa tao.
 
Tingnan nga natin ang mga credentials ni Velasco. Hindi kasi natin siya masyadong kilala. Hindi matunog ang pangalan. Lumalabas na marami pa siyang dapat na patunayan at gawin sa maraming aspekto. Ano na nga ba ang nagawa niya sa bayan at sa administrasyon?
 
Sa katunayan ay wala pang naiaambag o naitutulong si Velasco para kay President Duterte, katibayan nito ang resulta ng boto ni Bong Go, ang longtime aide ni Presidente at kandidato sa pagka-senador. Alam ba ninyong pang-sampu lamang sa teritoryo ni Velasco sa Marinduque si Bong Go?
Hindi rin sumuporta si Velasco kay Duterte noong tumakbong presidente noong 2016 elections, at sa halip ay sinuportahan si Grace Poe. Si Poe ang lumabas na No. 1 sa Marinduque sa katatapos lang na eleksiyon.
 
Wala rin siyang experience, kompara sa iba, sa kabila na nagsilbi sa dalawang termino. Hindi rin niya ito nagamit dahil isang termino lamang ang inupuan niya dahil sa huling araw ng sesyon lamang siya na swear in bilang miyembro ng Kongreso noong 2013.
 
Ito ay matapos maubos ang panahon niya na ibagsak ang kanyang kalaban sa politika na si Regina Ongsiako Reyes bilang representative ng Marinduque sa protesta niya noong 2010 elections.
 
Naupo si Velasco bilang chairman ng House energy panel sa 17th Congress, ngunit wala namang nabalita na mayroon itong kilalang batas na naipasa.
 
So, sino nga ba si Velasco? Kumbaga isa lamang siyang lightweight.
 
Mabuti muna kung siya ay kumuha ng experience bago maghangad ng speakership post.
 
Kailangan ng taongbayan ng isang House leader na may napatunayan, may nagawa na para sa administrasyon at may kakayahan na maging tunay na House Speaker, at hindi ‘yung wannabe na House leader lamang.
 
Hindi training ground ang pagiging House Speaker sa mga bagitong hindi pa napapatunayan ang kanilang sarili at wala naman talagang nagawa, ito ay para sa mga taong subok na sa serbisyo at pamamahala.
 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *