Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dante Salamat, Best Public Service Awardee ng Gawad Pasado 2019

PINARANGALAN si Dante Salamat sa nakaraang Gawad Pasado 2019 bilang Best Public Service awardee 2019. Si Dante ay isang entrepreneur, coach mentor, investor, motivational speaker at isa sa executives sa PR Diamonds Realty Philippines. Bukod pa rito, hilig niya ang pagkanta at nakalabas na rin siya sa pelikula.

Thankful naman siya sa natanggap na karangalan. “Labis akong nagpapasalamat with regards to Pasado, na-appreciate ko ‘yong award, one of best award recognizing my contributions na nagawa ko sa ibang tao,” saad niya.

May nagsabi na isa siyang pilantropo, ano ang reaction niya rito? “Regarding ‘yung pilantropo, I just want to share the blessings to others in my own little ways. Best fulfillment and accomplishment ko po iyon,” esplika ni Mr. Dante na kilala rin bilang Cool Boss of It’s Showtime nang maging guest siya sa Kaparewho segment nito.

Ang pag­kanta ay parang hobby lang daw niya. “Yes, singing is hobby ko and parang gusto ko rin i-prove na I also have talent in singing. Marami kasi akong bagay na gustong subukan. Ayaw kong mag-settle kung ano lang mayroon ako sa ngayon. I just want to explore my other gift of talents po.”

Nakalabas na siya sa indie movie last year sa Pinagtagpo, Pinagtagpi ni Direk Romm Burlat bilang father ni Jay-R Ramos at gusto niyang ipagpatuloy ito.

Wish rin ni Mr Dante na ma-feature ang kanyang life story either sa MMK or Magpakai­lan­man dahil interesting, madrama at kapupulutan ng aral at inspirasyon ang kanyang buhay na isang rags-to-riches story ng batang lumaki na sobrang hirap ng buhay sa Donsol, Sorsogon. Matapos iwan ng mga magulang sa kanyang lola noong bata pa lang, ay pilit na inabot ang kanyang mga pangarap sa buhay.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …