Saturday , November 23 2024

10 movie icons pararangalan sa 3rd Eddys (Mga bayani sa likod ng kamera, kikilalanin sa ‘Parangal sa Sandaan’)

SAMPUNG nirerespeto at tinitingalang alagad ng sining ang bibigyang-parangal sa gaganaping 3rd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa Hulyo.

Gaya noong nakaraang taon, bibigyang- pugay ng SPEEd ang hindi matatawarang kontribusyon ng Icon awardees sa industriya ng pelikulang Filipino.

Ang 2019 EDDYS Icon honorees ay sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda, at Lorna Tolentino.

Samantala, bilang bahagi ng selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, kikilalanin din ng SPEEd, katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chairperson Liza Dino, ang ilang “unsung heroes” sa likod ng kamera.

Sila ang mga manggagawa na patuloy na nag-aalay ng ‘di matatawarang oras, lakas, at talento para pagandahin ang isang proyekto sa loob ng mahabang panahon.

Kasama rin sa listahan ang pagkilala sa tatlong major studios na nagsisilbing inspirasyon sa mga bagong player sa industriya: Ang Sampaguita Pictures, LVN Studios, at Premiere Productions.

Narito ang honorees sa Parangal Sa Sandaan: LVN Pictures’ Maroth de Leon, Premiere Productions’ Digna Santiago, Sampaguita Pictures’ Marichu Vera-Perez Maceda, Armida Siguion-Reyna, Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio, at Rosa Rosal.

Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Filipino ay itinakda sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre.

Ang FDCP ang itinalagang lead agency ng selebrasyong ito.

Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado sa iba’t ibang kategorya ng 3rd EDDYS.

Maglalaban-laban ang limang de-kalibreng pelikula sa kategoryang pinakamagaling na pelikulang Filipino ng 2018.

Ito ay ang Citizen Jake, Goyo, Liway, Rainbow’s Sunset, at Signal Rock.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Ian F. Farinas (ng People’s Tonight) bilang presidente. Si Isah Red ang chairman emeritus ng organisasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *