Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Michael Daya, gustong sundan ang yapak ni Direk Erik Matti

MARAMING naka-line up na exciting projects ngayon si Direk Michael Daya.  Palibhasa’y hilig talaga ang pagiging direktor, noong 2003 ay nagsimula siyang mag-aral ng film making.

“Noong 2003 ako nag-start mag-aral ng filmmaking, tapos ay natanggap na rin po ako sa mga short film projects noon kahit nag-aaral pa lang ako,” panimula ni Direk Michael.

Kuwento pa niya, “Iyong comedy-fantasy movie po namin na Pinay Da Wander Witch ay ipalalabas sa Net25 at Iflix. Best project ko ito so far, mala Harry Potter po ang concept nito. Tampok dito sina Scarlet Mendoza, Warda Nur, Kikay Mikay at iba pa. May educational film din para sa mga schools na Tawid Pangarap.

“Ngayon ay may mga up­coming big projects po ako, pang-Inter­national po ito, ang title ay No Rules, The Underground Fighter Story. Ang bida rito ay sina Kylie Padilla, Jearome Calica, gold medallist Asian martial artist, Brandon Vera, Ameera Johara, at iba pa. Mayroon din mga international artist dito sa aming movie.”

Aminado siyang hinahangaan si Direk Matti at gustong sundan ang yapak nito. “Si Direk Erik Matti po ang isa sa mga hinahangaan kong director sa ating panahon. Isa siya sa mga director ngayon na nagpapataas ng antas ng Pinoy movies at magaganda ang bawat concept ng projects niya, na tumatatak talaga sa industry.”

Nabanggit ni Direk Michael ang mga nauna niyang projects. “Nag-start ako bilang photographer, then nag-aral po ako ng video editing and also VFX, naging graphic artist ako. Tapos ay naging DOP or director of photography ako sa indie films.

“Ang una kong project ay ‘yung Japanese indie film na Mystery Shikei, editor and director ako roon. Nasundan ito ng Killer Beyond the Mask, isang experimental film noong year 2004. Then, nasundan ito ng mga documentary, music video, at ilang advertisements… marami rin akong nagawang short films, starting year 2006. Last February, may entry ako sa film competition (short film) na ang title Isang Iglap, na nakapasok sa Top-3 IFFM (International Film Festival Manhattan),” wika ni Direk Michael.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …