Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seth, natameme kay Andrea

NAPAKALAKAS ng dating ng tambalang Andrea at Seth Fedelin. Ilang araw pa lamang ang paglabas ni Set sa KG ay marami na agad fans ang kanilang tambalan. Matindi nga agad ang dating ng kanilang loveteam.

Sinasabing may hawig si Set kay Daniel Padilla na bukod sa malakas ang dating, nahahawig din ang pananalita nito sa anak ni Karla Estrada. Kaya sinasabing posibleng maungusan ang mga kasabayan sa PBB Otso.

“Siguro po gagawin ko na lang ang best ko,” sagot ni Seth na aminadong malaking advantage ang naisama agad siya saKadenang Ginto at naipareha kay Andrea.

“Hindi pa ako ‘PBB,’ napapanood ko na silang tatlo kaya sabi ko, siguro kapag naka-eksena ko ang mga ito, tameme ako,” ani Seth pero hindi naman siya na-intimidate kay Andrea dahil tinulungan naman siya sa mga eksena.

Paglalahad naman ni Andrea, ”Hindi ko rin inakalang magiging close kami (Seth) agad.”

“Hindi ko rin naman masisisi ang iba na akalaing mataray ako kasi ‘yun ang nakikita nila sa TV. Pero, thankful din ako na marami ang nakakaintindi na role ko lang iyon, trabaho ko lang ang pagiging mataray. Pero sobrang layo ko po kay Marga.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …