Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Francine at Andrea, nagkakasakitan na

HINDI naman naiwasan nina Francine at Andrea na magkasakitan na sa ilang mga eksena lalo’t may physical contact sila.

“’Yung unang-unang sabunutan namin, hindi ko ine-expect na ganoon pala (magkakasakitan) kapag may sabunutan na scene,” ani Francine o Cassie.

“Kabado po ako sa kinunang scene na ‘yun kasi hindi ko po siya (Andrea) kayang saktan.

“’Yung eksenang ‘yun unang nanampal si Cassie,” ani Andrea.

“Sobrang nagalit po ako sa kanya bilang si Cassie,” ani Francine. ”Noong lumaban na siya sa akin, pagkahampas niya tumilapon ang salamin ko. Nasabi ko na ‘Oh my God!’ ganoon pala ‘yun.”

Aminado rin sina Andrea at Francine na nadadala sila sa kani-kanilang eksena kaya kung minsan hindi nila makontrol ang galit.

“Pero sa mga latest na sabunutan namin, okey na natatawa na kami,” pahabol ni Francine. ”At bago po kami mag-away, tumatawa na kami kaya nahihirapan kaming ikontrol naman ang tawa na.”

At sa mga mang-iintriga kina Andrea at Francine, sorry na lang dahil super friends ang dalawa.

“Lumalabas kami para kumain sa mga Korean restaurant pero hindi pa kami lumalabas ng kung saan-saan pupunta or gigimik,”  sambit pa ni Andrea.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …