Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes

Andrea, sobrang insecure sa kilay

KUNG marami ang naiinggit o nagagandahan sa kilay ni Andrea Brillantes, kabaligtaran naman pala ito sa tin-edyer.

Ani Andrea, ”actually sobrang insecure ako sa kilay ko rati. Inahit ko siya noong araw na may photo shoot ako kaya naging puting-puti siya at nasita ako ng nanay ko. Pero natutuwa ako na marami ang natutuwa sa kilay ko at bumalik naman siya sa rati at tumubo na.

“Dati kasi hindi uso ang ganitong klase ng kilay na sobrang kapal.

“Sobrang saya ko na rin ngayon kasi mas madaling umarte kasi ang kapal ng kilay minsan itataas ko na lang. Sayang nga hindi ko kaya ang parehas na itinataas (kilay).”

Napaka-effective na kontrabida ni Andrea bilang si Marga sa Kadenang Ginto. Marami ang naiinis sa kanya kaya naman kahit siya’y nanibago sa ginagampanang role.

“Noong una, pinag-isipan ko talaga siya, kasi sana’y akong ako ang laging inaapi. Natakot din ako nab aka ma-typecast bilang kontrabida kapag tinanggap ko ang role na ito. Eh gusto ko talaga ‘yung maging bida. Pero nang nabasa ko ang script, nalaman ko na hindi siya basta-basta kontrabida. Kontrabida siya na may puso. May dahilan kung bakit siya naging ganoon, tinanggap ko po siya. Idagdag ko pa po na gusto ko ng mga challenging role,” paliwanag ni Andrea.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …