Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, nasorpresa sa bagong bihis ng Home Sweetie Home

KUNG ang FPJ’s Ang Probinsyano ang pinaka­matagal na action-serye, ang Home Sweetie Home naman ang sinasabing pinakamatagal na sitcom. Nagsimula ito taong 2014 na patuloy na kinagigiliwan ng viewers hanggang ngayon.

Sa pinakahuling tala ng Kantar Media, mas maraming Pinoy ang napukaw at natuwa sa bagong pamilya ni Julie na ginagampanan ni Toni Gonzaga na mayroong 37.2 percent laban sa 18.7 percent na katapat nitong programa.

Ano nga ba ang sikreto ng Home Sweetie Home na eventually ay naging Home Sweetie Home: Extra Sweet.

Ani Toni, malaki ang pasalamat niya na hanggang ngayon ay marami pa rin ang sumusuporta sa kanila.

“Maraming nangyaring transition. Maraming pinagdaanan ang show at nagpapasalamat kami dahil may mga sumusuporta pa rin hanggang ngayon sa aming programa.

“Ngayong bagong yugto na ng ‘Home Sweetie Home,’ ipinapangako namin na kaya siya ‘Extra Sweet’ dahil pinagsama-sama po ng management at desisyon po ng HSH family ‘yung mga bago naming kapamilya na tiyak na mas magpapasaya sa inyo at mas mararamdaman n’yo ‘yung tunay na essence ng isang pamilya kaya sila ang kasama namin ngayon,” esplika ni Toni.

Bale sa Home Sweetie Home: Extra Sweet, magpo-progress ang story ni Julie, ipagpapatuloy pa rin ito sa kung saan nagsimula si Julie kasama  ang anak nila, kapatid na sina Clarence Delgado at Miles Ocampo. Bale ang community nila noon na nasunugan sa last chapter ng story, sa ngayon, sila ang bagong salta sa community na naroon sina Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Luis Manzano, Alex Gonzaga at iba pa.

“Existing na ang community nila, kami ang bagong papasok kaya ang story kami ‘yung bagong salta sa pamilyang mayroon na sila,” paliwanag ni Toni.

Nasorpresa at thankful naman si Toni na itinuloy at binigyan ng bagong hitsura ang kanilang show sa kabila ng maraming pinagdaanan.

“From the start na nagkaroon kami ng big challenge ang programa, naihanda ko na ang sarili ko dahil hindi na naman tayo bago sa industriya. Alam natin na shows come and go so, I was already prepared na mag-e-end ang chapter ng ‘Home Sweetie.’ Bilang isang artista kung ano lang ang ibigay sa iyong trabaho ‘yun lang ang gagawin mo.

“I’m just really surprise and thankful that the management decided to push through with the program and give a new look and flavor, new taste new family. So siyempre nagulat ka, you are prepared to let go of something that has been a part of your life for four or five years.

“So I’m just really grateful, because may second chance na magpatuloy ang programa with these new family na mas exciting,” giit pa ni Toni.

At simula nang umpisahan ang Home Sweetie Home: Extra Sweet noong May 11, umapaw ang papuri ng netizens sa pagsasama-sama nina Vhong, Alex, Bayani, at Toni. Inaantabayanan din ng fans sina Fumiya Sankai at Yamyam Gucong.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …