Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruben Soriquez, kontrabida ni Steven Seagal sa General Commander

MAGKAKASUNOD ang mga pinagkakaabalahang proyekto ng Filipino-Italian actor/director na si Ruben Maria Soriquez.

Matapos gumanap ng mahalagang papel bilang si David Pascal sa ABS CBN’s The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin, si Direk Ruben ay nasa Italy ngayon para sa second edition European Philippine International Film Festival (EPIFF) na co/founded niya in collaboration with the Philippine Italian Association, ICCPI, at FDCP.

Nag-enjoy siya sa paglabas sa The General’s Daughter at aminadong na-excite nang naging bahagi nito dahil ito ang comeback niya sa prime time bida. Matatandaang nagmarka si direk Ruben sa seryeng Dolce Amore na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enriquel Gil.

Nakapanayam namin si Direk Ruben bago siya magtungo sa Italy at ayon sa kanya, wish niyang makatrabaho muli si Angel sa hinaharap.

Katatapos lang din niyang gawin ang tinampukang The Immortal Hunters, isang action/horror film na pinamahalaan ni Direk Paolo Bertola. Kasalukuyang nasa post production na ang pelikula.

Ang The Spider’s Man, isang comedy/thriller na pinamahalaan niya tampok ang kanyang sarili kasama sina Richard Quan, Lee O’Brian, Jeff Tam, at Rob Sy ay ire-release sa USA, Canada, at Europe ng Leomark Studios (Los Angeles).

Samantalang ang horror film na The Lease ay magkakaroon naman ng ibang kapalaran. Ang The Lease na tinatampukan niya kasama sina Garie Concepcion at idinirehe ni Paolo Bertola at produce ni Mario Alaman ay magkakaroon ng theatrical release sa India (by Dhalanjay Galani, Mumbai).

“I think it’s the first time for a small independent film from the Philippines to have theatrical distribution in India,” ani Ruben. “We already signed the deal and I think it’s a great opportunity to showcase the Philippines there,” aniya pa sa kanilang pelikula na kinunan sa Tagaytay na kilala sa magagandang tanawin.

Magkakaroon din ng world wide release sa May 28 ang General Commander, starring Steven Seagal at ipamamahagi ng Lionsgate, isang major American entertainment company. Dito’y gumaganap si Direk Ruben bilang isang mafia member na si Santino Amato.

“I am currently working on an American TV series. It’s going to be a long process but I am very excited about it,” sambit ni Direk Ruben na hindi itinatago ang kanyang planong gumawa ng mga proyekto sa Amerika sa hinaharap.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …