Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nick Vera Perez tunay na pinahahalagahan ang entertainment media (Pang-Guinness World Records)

DAMANG-DAMA ng Entertainment Media, ang labis na pagmamahal ng International Recording Artist na si Nick Vera Perez na muli nitong ipinakita sa kanyang third year homecoming presscon and bonding na rin sa old and new friends sa press.

Sa favorite Hotel (Rembrandt), muling idinaos ang mediacon ng popular balladeer na si Nick na sa rami ng ginawang mall show sa buong Filipinas ay puwede nang maging nominee sa Guinness World Records.

Ayon kay Nick, ang mga press people ang tumulong at patuloy na sumusuporta sa kanya para ipagpatuloy ang kanyang singing career sa Filipinas.

Nakabase si Nick sa Chicago bilang nurse at singer, at sa tulong ng mga taga-media — madali siyang naka-penetrate sa showbiz at naipakita ang kanyang galing sa pagkanta.

“I want to honor the press kasi you’ve helped me a lot in my transition to the Philippines. And I never really had the chance to thank you all. So, ngayon it’s really about you, appreciation night ko sa inyo.”

Dagdag niya, naging successful din ang kanyang mall tour para sa kanyang album na “I Am Ready” at nakarating siya mula Cavite hanggang Zamboanga at Gen San. Dahil tuloy-tuloy ang blessing, plano niyang mag-concert sa Music Museum at i-promote ang kanyang album sa buong Asya.

“So, now umiikot na kami nationwide para sa album promo tour. And then we’re planning next year is the grand concert, hopefully sa Music Museum sa May 2020. And after that hopefully sa Asia. And after that ‘yung second album na,” masayang deklara ni Nick.

Samantala, ini-introduce ni Nick ang kanyang company na NVP1World para makadiskubre sila ng talents sa US at sa Filipinas.

“Ang bago ngayon is because I build my own company sa States which is NVP1 World, we recruit new talents,” sabi ni Nick.

Isa sa mga na-discover ng NVP1 World ay sina Rozz Daniels, Olivia St, Soul of One, Erika Mae Salas, at marami pang iba. In all fairness bagay rin maging product endorser si Nick. Bagay sa kanya ang mag-endorse ng Vita Coco Coconut Water.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …