Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, nagpapakatatag para kina Josh at Bimb (Bilang ng mga senador na ibinoto, ibinulgar)

PATULOY na nagpapakatatag si Kris Aquino matapos ilahad sa kanyang blog sa Face­book ang pinag­daraanang hirap sa pagharap sa kanyang autoimmune disease. Kasabay nito ang paghiling ng dasal para sa tuluyang paggaling.

Sa post naman ni Kris sa Instagram, pinasalamatan niya ang mga brand na piniling ituloy ang pagiging endorser niya sa kabila ng kanyang sakit.

Nakasaad din na sana maka-inspire siya ng mga tao na kahit nahaharap sa mahirap at masakit na pagsubok ay hindi pa rin sumusuko at nananatiling matatag.

Ayon sa IG post ni Kris, “and here’s my why… i wrote something a bit lengthy with quite a number of “receipts” which i hope you’ll take time to read. Easiest access is by clicking the link in my BIO that will bring you directly to my official FB page. 

“There’s a short P.S. we chose to include all the work i somehow managed to do from October to April because 1st i wanted to express sincerest gratitude to all the brands who chose to stick it out with me. And 2nd, whatever difficult challenges you may be facing now, i hope seeing that i soldiered on will remind you that a strong spirit that refused to give up can still stand firm even through life’s more painful moments.”

Higit sa lahat, pangunahin ding dahilan kaya patuloy na lumalaban at nagpapakatatag si Kris ay para sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Gusto pa niyang makasama, maalagaan, at masubaybayan ang dalawa sa mahaba pang panahon.

Bilang ng mga senador na ibinoto, ibinulgar

IPINAALAM ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post na walong senatorial candidate lang ang ibinoto niya sa nakaraang mid-term elections.

Inamin din ni Kris na hindi siya nag-straight vote. Bagama’t hindi niya pinangalanan, sinabi naman niya kung saang partido—administration, oposisyon, at independent-ang kanyang mga ibinoto.

Hinaluan pa ni Kris ng patawa ang kanyang IG post patungkol sa pagiging “dilawan” at sa kanyang pasa na nakuha sa aksidenteng pagkatumba kamakailan.

Ayon sa IG post ni Kris, “because i’ve kept my sense of humor: opo, kahit mga pasa ko, dilawan. dapat lang dahil bunso ako ni cory at ninoy aquino. although in case you’re curious, bumoto ako ng 8 para sa Senado… kaya lang hindi direcho. 4 galing sa ocho, 2 admin, and 2 independents. i voted not along party lines BUT voted based on my personal choice because after all that’s one of democracy’s principles, 1 person, 1 vote.”

PABONGGAHAN
ni Glen Sibonga

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …