Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerome Ponce at Jane Oineza bagay sa “Finding You”, Barbie Imperial kaibig-ibig sa pelikula

SA kanilang mediacon ay inamin ng lead actress ng “Finding You” na si Jane Oineza kung ano talaga ang naging score nila ng co-star niya sa pelikula na si Jerome Ponce.

“Masaya ako kasi nabigyan ulit kami ng opportunity na mag-work together bilang ang last nga namin ay Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? (2015). Hindi ko akalain na mabibigyan kami ng chance kaya masaya ako.

“Hindi naman naging kami to begin with. Parang hindi lang nag-bloom. Parang puwede na makakarating naman sa ganon, kasi nag-uusap naman kami. May potential, pero hindi umabot don.

“I can’t say kung nag-work or hindi, kasi hindi pa namin na-try. Hindi umabot sa ganon,” paglilinaw ni Jane.

Samantala, nagpasalamat si Jane sa Regal Entertainment sa role na ipinagkatiwala sa kanya sa Finding You.

“I try lagi naman ‘pag binibigyan ako ng kahit ano’ng project, kahit anong role, ibinibigay ko ang everything ko sa role na ‘yon, lahat-lahat pati pagkatao ko.

“So masaya marinig na naa-acknowledge ‘yon, o napapansin ng mga nanonood ng mga nagbibigay ng projects sa ‘kin, na pinagka­katiwalaan pa rin ako sa next na projects.

“And mahilig din ako mag-experiment ng iba-ibang roles na hindi ko pa nagagawa or mga challenging, ‘yung mahirap,” sey ni Jane.

Naurirat din si Jerome tungkol sa kanila ni Jane. “Nanatili kaming magkaibigan, kasi madalas naman kaming nagkikita dahil ‘pag nagkikita kami, nagkukuwentohan nang matagal, tapos nagkakayayaan lumabas with other friends.”

Sa Finding You, gagampanan ni Jerome ang role ng isang social media journalist na si Nel na may hyperthymesia, na kabaligtaran ng amnesia.

Natatandaan lahat ng binata ang mga nangyari sa buhay niya simula nang magkaisip siya. At dahil sa kondisyong ito ni Nel ay hirap siyang makahanap ng mamahalin, kaya Finding You ang titulo ng movie.

Bride-to-be at bestfriend ni Nel si Kit (Jane), na laging nasa tabi niya sa hirap at ginhawa. Si Barbie Imperial ay kaibig-ibig naman ang taglay na ganda at kaseksihan sa pelikula.

Anyway, mapapanood ang Finding You sa 29 Mayo, mula sa Regal Entertainment. Bukod kina Jerome at Jane, kasama rin sa movie sina Barbie Imperial, Claire Ruiz, Kate Alejandro, Jon Lucas, Paeng Sudayan, mula sa direksiyon ni Easy Ferrer.

Para sa mga karagdagang impormasyon, i-follow ang Regal Entertainment, Inc., sa Facebook, at mag-subscribe sa YouTube channel nito. I-follow din ito sa Twitter: @RegalFilms at Instagram: @RegalFilms50.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …