Thursday , December 26 2024

BI NAIA T-1 TCEU laging alerto!

NASAKOTE ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang human trafficker na nagtangkang magpalusot ng tatlong Pinoy patungong Malta.

Ayon sa report ni BI Port Operations Division chief Grifton Medina, ang suspek, kasama ang mga biktima ay nakatakdang sumakay ng Eva Air flight patungo sa nasabing bansa nang mapigilan ng mga tauhan ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).

Ang bansang Malta na isang tourist destination ay nagiging paboritong ‘daanan’ ngayon ng mga Pinoy na gustong magtrabaho dahil kadalasan nakalulusot ang mga kababayan natin doon kahit wala silang dalang OEC or Overseas Employment Contract na mula sa POEA.

Sang-ayon kay BI TCEU T-1 Head Glenford Comia, nagpanggap ang mga biktima na patungo sa isang business trip at sila raw ay konektado sa isang travel agency pero pinagdudahan ng Immigration Officer kaya sila ay ini-refer para sa isang secondary inspection.

Matapos ang kanilang interview, dito umamin na sila ay magtatrabaho bilang house­keepers at sila raw ay nagbayad ng halagang P310,000 sa isang recruiter na bumiktima sa kanila.

Ang mga naturang biktima ay nasa kustodiya ngayon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mas komprehen­sibong imbestigasyon. Malalaman din kung may kaukulang kaso na puwedeng isampa sa kanilang recruiter.

Samantala, pinapurihan ni BI Commissioner Jaime Morente ang naturang unit para sa kanilang accomplishment at nagbabala rin para sa iba pang recruiters na nambibiktima ng kababayan natin sa parehong kaso.

“Illegal recruiters be warned, we are committed in pursuing criminal cases against you. Your operations must stop,” dagdag ni Morente.

Excellent job, BI NAIA T-1 TCEU!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *