Thursday , December 26 2024

Arestado

LIMANG Tsino na dumukot umano sa tatlo nilang mga kababayan ang bumagsak sa ka­may ng mga alagad ng batas sa Makati kama­kailan.

Ayon sa pulisya, pinuwersa raw ng mga suspek ang mga kapwa nila Chinese national na sina Zhou Yang, Sengxiao Ling at Ou Shen na sumakay sa isang van sa Verdant Avenue sa Las Piñas.

Minalas nga lang ang mga kidnapper dahil nakatakas si Ou Shen at ini-report sa mga pulis ang naganap na pagdukot.

Akalain ninyong nagawa pang humingi ng P200,000 ang mga kidnapper na Tsino kapalit ng kalayaan ng kanilang mga biktima. Napag­kasun­duang dadalhin ang pera sa isang mall na matatag­puan sa Makati.

Pinupuri natin ang pulisya ng Makati at Las Piñas. Walang kaalam-alam ang mga suspek na nagsanib-puwersa sila at nagsagawa ng entrapment operation upang malambat ang mga kidnapper matapos tanggapin ang ransom money.

Nang dakmain ang mga suspek at halughugin ang kanilang van ay natagpuan ang dalawa pang biktima.

Sa pagsisiyasat ay kinilala ang mga kidnapper na Tsino bilang sina Li Wei, Ruan Hu Bin, Chen Sing, Weng Peng Chao at Li Hui Sie.

Ang mga driver ng van na kapwa Pinoy ay kinilalang sina Marvin Villas at Lolito Angeles. Pareho silang kinuwestiyon ng mga pulis sa naging partisipasyon nila sa kidnapping.

Nawa’y huwag masayang ang pagsisikap ng mga pulis para maparusahan ang mga suspek na rito pa dumayo para gumawa ng krimen.

***

Tumabo umano ng US$12.165 bilyon at grant na US$148.5 milyon ang ikaapat na state visit ni President Duterte sa China.

Makalilikha raw ito 21,000 trabaho pero bakit kaya mukhang matabang pa rin ang publiko sa tagumpay na ito?

Isa marahil sa mga dahilan ang tingin ng publiko na parang kinokonsinti ng administrasyon ang kawalanghiyaang ginagawa ng China sa West Philippine Sea kapalit ng mga transaksiyong tulad nito.

Maliwanag pa sa sikat ng araw ang ginaga­wang pambababoy at pagpapalayas ng kanilang kababayan sa ating mga mangingisda sa West Philippine Sea pero wala tayong nagawa para ipagtanggol sila kahit na naganap ito sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Oo nga’t kapuna-puna na tumaas ang bilang ng investments na ipinapasok ng China sa bansa mula nang maupo si Duterte.

Pero hindi maitatanggi na kahit sa panahon ni President Noynoy Aquino ay patuloy rin pumapasok ang investment mula China kahit sinampahan sila ng kaso ng Filipinas sa Hague dahil sa isyu ng West Philippine Sea.

Ang mahalaga kasi sa China ay hindi ang pakikipaghidwaan ng kanilang gobyerno sa ibang bansa kundi ang negosyo, at ang limpak-limpak na pera na kikitain nila rito.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *