NAKATATABA ng puso ang pagbibigay-halaga ng balladeer na si Nick Vera Perez sa mga entertainment press na nakatulong sa kanyang tagumpay at pamamayagpag sa music industry.
Isang bonggang party ang inihanda niya sa Rembrandt Hotel Grand Ballroom kamakailan na isa-isa niyang tinawag sa stage at sinabitan ng medal at binigyan ng special token.
“I really appreciate lahat ng support ng mga press. You know for the last three years, we have presscon pero mabilisan lang. So, this night is for you, the food is for you, enjoy tayong lahat and I hope that I can make you happy tonight in my own little way.
“I want to honor the press kasi you’ve helped me a lot in my transition to the Philippines. And I never really had the chance to thank you all.
“So ngayon it’s really about you. Appreciation night ko sa inyo,” sambit ni Nick na pabalik-balik ng Chicago, USA dahil doon siya nakabase at nagtatrabaho bilang Nurse at singer.
Nang dumating si Nick sa Pilipinas, ipin-romote niya ang kanyang I Am Ready album after ng matagumpay na concerts at shows abroad.
Matagumpay din ang mall shows niya para sa I Am Ready album mula Warner Music Philippines katulad sa KCC Mall Zamboanga, SM Davao, SM Bacoor sa Cavite at iba pang lugar.
Kamakailan, itinanghal na Outstanding Male Performer of the Year si Nick sa Laguna Excellence Awards.
“We have so much plans. But ayoko rin ng mabilisan. Gusto ko ‘yung may building the climax. Gusto ko ‘yung we’re starting like this and then we go bigger and bigger.
“So now, umiikot na kami nationwide para sa album promot tour. And then we’re planning next year is the grand concert, hopefully sa Music Museum sa May 2020.
“And after that hopefully sa Asia at ‘yung second album.
Kasama rin sa bucket lists niya ang mag-mentor at mag-discover ng talents. Naitayo na nga nya sa Amerika ang NVP1 World.
“We recruit new talents, si Rozz is a product. Just like me she is just starting but she is full of energy. So far, she is well-received by the crowd. Aside from that ‘yung Soul of One, we want to introduce them individually this time. Kasi before group sila, so now we want you to see them kung gaano sila ka-effective at kagaling individually. And of course nariyan pa rin si Ericka,” giit pa ni Nick.
Ang tinutukoy niyang mga talent ay sina Rozz Daniels na taga-Amerika rin at si Ericka Salas na pawang magagaling kumanta.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio