Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nick Vera Perez, binigyang pagpapahalaga ang entertainment media

KINILALA ng Chicago-based singing-nurse na si Nick Vera Perez ang kaha­la­gahan ng en­ter­tainment me­dia sa mga tulad niyang nasa showbiz. Bukod sa sumptuous dinner na gina­nap sa Rem­brandt Hotel at mga regalo, binigyan din niya ng mga medal at plaque ang mga member ng media na present sa naturang event na tinawag na An Evening of Press Appreciation.

“I really appreciate lahat ng support ng mga press. For the last three years we have presscon pero mabilisan lang. so, this night is for you, the food is for you, enjoy tayong lahat and I hope that I can make you happy tonight in my own little way. I want to honor the press kasi you’ve helped me a lot in my transition to the Philippines. And I never really had the chance to thank you all. So, ngayon it’s really about you, appre­ciation night ko sa inyo,” saad ni Nick sa mga taga-press.

Lagari si Nick sa Chica­go na nagtatrabaho siya bilang nurse at singer, at sa Filipinas na ipino-promote naman niya ang kanyang I Am Ready album. Nabanggit niyang next year ay pinaplano na nila ang kanyang malaking concert na posibleng gawin sa May 2020 sa Music Museum. Tapos nito, hopefully sa Asia naman ang venue ng susunod niyang concert. Next, ang second album naman niya.

Bukod sa pagiging singer, nagsimula na rin maging manager si Nick sa pamamagitan ng pag-discover ng bagong talents. “Because I build my own company sa States which is NVP1 World, we recruit new talents, so Rozz Daniels is a product. Just like me she is just starting but she is full of energy. So far, she is well-received by the crowd. Aside from that ‘yung Soul of One, we want to introduce them individually this time. Kasi before group sila, so now we want you to see them kung gaano sila ka-effective at kagaling individually. And of course, nandiyan pa rin si Erika (Mae Salas). So, now we’re just having fun,” wika niya.

Tulad ng ibang singers, pangarap din ni Nick na maka­sama sa kanyang concert ang magagaling na singer tulad ni Martin Nievera dahil ayon sa kanya, malaki ang impluwensiya nito sa kanya. Kaya naman wish talaga ni Nick na maka-duet ang tinaguriang Con­cert King ng bansa. “Sana makasama ko siya at maka-duet sa concert,” saad ni Nick.

Passion ni Nick ang pagkanta kaya makikita sa kanya ang determinasyon sa bagay na ito. Naniniwala rin siyang walang makahahadlang sa sinuman kung determinadong maabot ang anumang pangarap sa buhay. Sa isang panayam, ipinahayag ni Nick na, “Music and arts do not really have age limits and boundaries. I don’t conform to any rules. I do my own thing and stand by them.”

Anyway, congrats kay Nick dahil sa tagum­pay ng kanyang I Am Ready Album Mall and Campus Tours P3.  Ginanap ang buwena-manong mall show sa SM City Gensan last May 8, 2019 at tatagal ito hanggang June 21, 2019.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …