TAPOS na ang eleksiyon. Hinihintay na lang ang opisyal na deklarasyon kung sino ang mga nanalo.
Sa national level o sa Senado at Kamara, hinihintay na lang ang opisyal na tally, kasunod niyan, maghahanda na sila para sa kanilang inagurasyon sa unang linggo ng Hulyo.
Isa lang ang ating mensahe sa mga nanalo, “tuparin ninyo ang inyong mga pangako.”
Nawa’y malaos ang salitang “Oh Promise Me” o OPM sa inyong mga bokabularyo.
Hindi naman ‘komiks’ ang mga botante o ang mamamayan para sabihan ninyong, “Pinangakuan na kayo, gusto ninyo tuparin pa?!”
Hak hak hak!
Actually running joke ‘yan pero sa totoo lang, alam naman natin na atat na atat na ang mga nagwagi para makaupo na…
Pero sabi sa Konstitusyon, hanggang 30 Hunyo 2019 pa, bago maupo sa puwesto ang mga bagong halal.
Kaya ‘yung mga aalis na sa puwesto, may panahon pa para maglinis ng kanilang mga kalat-kalat.
Habang ‘yung mga uupo, tiyak na babawiin ang nagastos nila at ng kanilang mga ‘financer’…
Tiyak na sandamakmak na pagawaing bayan ang ilulunsad at ipagagawa… para laging mayroong kupit ‘este kontrata.
Kung sa paanong paraan, sila lang ang nakaaalam!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap