Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jane at Jerome, espesyal ang friendship

SPECIAL relationship that is more than friend but less than lovers. Ito ang paglilinaw ni Jane Oineza ukol sa kanilang relasyon ni Jerome Ponce na sinasabing naugnay sa isa’t isa.

Sa media launch ng pelikulang Finding You  g Regal Entertainment Inc., na pinagbibidahan nina Jane, Jerome, at Barbie Imperial, sinabi ng una na ”Hindi naman naging kami to begin with.

“Parang hindi nag-bloom. Parang pwede na makarating sa ganoon kasi nag-uusap naman kami. May potential pero hindi umabot doon,” paglilinaw pa ni Jane.

Bagamat hindi nagkatuluyan, marami namang good qualities ang nagustuhan si Jane sa kanyang leading man.

Aniya, “Sweet siya as a person. Hindi ko lang maalala kung may ginawa siya for me noon. Pero as a person, sweet siya, maalalahanin naman siya. Mabait.

“At saka gusto ko may humor. Kailangan mapapatawa mo ako, kailangan hindi ako ma-bored. Kailangan masaya lang.

“’Yun ‘yung mahalaga sa akin. ‘Yung comfortable ako at ikaw. Ganoon lang, walang pretensions.”

Pero hindi nawala ang pagkakaibigan nina Jane at Jerome. Giit ng dalaga, ”Hindi nawala ‘yung friendship, ‘yung communication. Hindi naman parang hindi na kami nag-usap at all.”

Nang tanungin naman si Jerome ukol sa ‘relasyon’ nila ni Jane, sinabi ng aktor na, ”Wala naman yata kaming…we’re friends, ‘yun lang.

“Nananatili kaming magkaibigan kasi madalas naman kaming nagkikita dahil ‘pag nakikita kami nagkukwentuhan nang matagal, tapos nagkakayayaan lumabas with other friends.”

Pareho namang na-excite ang dalawa sa pelikula nilang Finding You na ginagampanan ni Jerome ang isang may hyperthymesia, ang opposite ng amnesia samantalang bride to be best friend niya si Jane na ginagampanan ang karakter ni Kit na laging nasa tabi niya through thick and thin.

Ang Finding You ay idinirehe ni Easy Ferrer at mapapanood na sa May 29.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …