HINDI biro ang magtiwala at magpautang lalo na kung hard earned money ito, kaya naman galit na galit ngayon ang MEGA-C owner at nag-aartistang si Madam Yvonne Benavidez sa umutang sa kanya ng halagang P350K na si Mr. Jose Olinaris a.k.a. Jay-Ar Rosales ng Active Media Events at isa sa producer ng indie movie na “Men In Uniform.”
Ang taga-DWBL raw na si Elsa Dioneda na pinagtataguan na rin siya ang nag-guarantor kay Jay-Ar kaya niya pinahiram. Bale P100K pa lang ang naibabayad kay Madam Yvonne dahil tumalbog ang lahat ng mga inisyung tseke. At kaya raw naengganyo si Madam Yvonne na pautangin si Jay-Ar ay dahil sa magandang offer at matatamis na salita na bukod sa investor siya, ay isasama siya sa pelikulang “Men In Uniform” na idinirek ni Neil “Buboy” Tan.
Tutubo pa ng 15 percent ang P350K niya na payables in three months at bawat ticket sa special screening nationwide ay may Mega C blister na 10 capsules na kikita siya ng P35.00 in every ticket. Tapos sila pa ang official vitamins ng Men In Uniform.
Wala raw natupad sa mga ipinangako sa kanya maliban sa paglabas niya sa pelikula na gumanap siyang General at nakaeksena sina Rommel Padilla at Rayver Cruz. At para makabayad lang si Rosales na radio broadcaster at indie film producer ay hindi na nag-demand pa ng interest si Madam Yvonne na kung tutuusin ay P507,500 ang dapat i-settle pero ang sinisingil na lang sa kanya ng businesswoman-character actress ay P250K.
Tinawagan raw ni Madam Yvonne si Direk Buboy pero ayaw raw nitong makialam sa issue. Hawak ng negosyante ang lahat ng ebidensiya kaya walang lusot dito si Jay-Ar Rosales, kaya dapat ay makipag-ugnayan na siya agad kay Madam Yvonne at sa legal counsel ng negosyante.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma