HINDI mo mamumukhaan o incognito.
Ito ang paglalarawan ng aming source nang maispatan niya si John Lloyd Cruz sa huling gabi ng lamay ng beteranong production designer na si Cesar Hernando sa Paz Funeraria (on Araneta Ave.) noong Biyernes, May 10.
Ayon sa aming source, tila sinadya ni JLC na hindi siya mamukhaan ng mga nakiramay na ang karamihan ay mga estudyante ng yumao sa UP.
“Sa rami ng tao, hindi mo rin talaga mapapansin si John Lloyd,” dagdag nito, “mukha siyang ermitanyo that one wouldn’t notice even if he stood in front of him.”
Wala kaming naaalalang movie ni JLC which was production-designed by Cesar.
The presence raw at the wake of Sid Lucero, sporting a beard (baka kailangan sa ginagawa nitong pelikula) and was almost unrecognizable ay maaiintindihan pa namin.
Ang nasirang ama ni Sid na si Mark Gil ay kabilang sa major cast ng pelikulabg Batch ’81 na idinirehe ni Mike de Leon’s na si Cesar ang PD.
Dagdag-paglalarawan pa ng aming informant, “John Lloyd seemed like a real artist who didn’t care about the financial side to it, alam mo ‘yon? Passion lang talaga niya ang pag-aartista.”
Nabanggit niya sa amin na may dahilan naman para gustuhing maghayahay na lang ng actor, kasama ang kanyang nobyang si Ellen Adarna at ang bunga ng kanilang pag-iibigan.
Ibig sabihin, malaki ang ipon ni JLC at ‘di na niya kailangan pang magtrabaho.
At bakit?
Taong 1995 noong may loteng ibinibenta raw located at La Vista (near Ateneo) in Quezon City priced at P5-M. Our source wanted to acquire the property himself, kaso, kulang ang kanyang pondo.
Anyway, fifteen years later, nabalitaan na lang ng aming source na ang nakabili ng propiedad na ‘yon was JLC sa halagang P40-M. Currently, may value na ito twice as much, at lote pa lang ‘yon.
Our source isn’t sure though kung napatayuan ‘yon ng bahay ni John Lloyd. Ang alam niya, nakapundar pa ang aktor ng bahay at lupa sa Valle Verde in Pasig City.
Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na napakayaman din ng angkang pinagmulan ni Ellen.
At kung pagsasamahin ang net worth nilang dalawa, aba, puwede na talagang magbabu si John Lloyd sa goodbye!
Pero sa aminin man o hindi ng pinagkunan namin ng balitang ito, there’s still so much public interest in John Lloyd.
Mahusay kasi kompara sa mga iba riyan.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III