Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rayantha Leigh, ‘di kailangan ng competition para magka-album

DAHIL sa Laging Ikaw, agad nasundan ang single na ito ni Rayantha Leigh mula Ivory Records ng album na inilunsad kamakailan kasabay ng ika-14 kaarawan ng dalaginding.

Ang self-titled album ay may carrier single na Nahuhulog kasama ang mga awiting PangakoPag-Ibig Ba?Wag Ka Nang IiyakI Will Be There, at Tuksuhan.

Suportado ng kanyang mga magulang si Rayantha at super proud ang mga ito sa naabot na ng anak. Hindi na rin kailangan ng dalagita na sumali sa anumang competition para magkaroon ng career dahil tanging ang mga magulang lamang ay okey na. Sila kasi ang nag-produce ng album at ipina-release sa Ivory Records.

Sa edad-14, no way muna sa kanya ang magpaligaw dahil nakatutok siya sa kanyang singing career. Bukod dito ay nagho-host na rin siya sa Bee Happy Go Lucky, isang youth-oriented show sa Channel 13 tuwing Sabado, 4:30 p.m. na co-hosts ang cutest duo na sina Kikay at Mikay.

Bagamat ‘di pa pwede magpaligaw, hindi naman nito itinago ang pagka-crush kay James Reid kaya hindi imposibleng maging role model din niya si Nadine Lustre.

Bukod sa album launching mayroon ding international events ang dalaga tulad ng Hong Kong sa June 16, 2019; at international concert sa Tokyo, Japan sa December 8, 2019.

Bukod nga sa pagiging singer, product endorser/model din si Rayantha ng Erase Beauty Products, YSA Skin and Body Expert, H&M makeover salon, Switch Limited clothes, at Halimuyak perfumes.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …