MUNTIK na palang hindi makaboto si Kris Aquino sa katatapos na mid-term election nitong May 13 dahil bago ang araw na ito ay mataas ang lagnat niya at tinatrangkaso.
Ito nga ang inihayag ni Kris sa kanyang sagot sa komento ng isang netizen sa Mother’s Day post niya sa Instagram para sa yumaong ina at dating Pangulo na si Cory Aquino. Kinukuwestiyon kasi ng netizen ang pagsuporta ni Kris sa senatorial candidate na si Bong Go.
Ayon sa netizen, “I can’t reconcile ‘prinsipyo’ and Bong Go. And I’m kinda sure that Cory and Ninoy would not have approved of your support for him. Enough of your reality distortion field. It doesn’t sell anymore.”
Sagot naman ni Kris, “you might just get your wish (although nanghihinayang ako for 9, 15, and 25)- i seem to have the flu, fever was 39.4 last night, still 38.5 now because i’m allergic to all fever reducers including paracetamol. been taking immunity boosting echinacea, zinc plus vitamins A, C, and E we bought in Singapore. Gusto kong bumoto pero ayokong makahawa sa mga nasa precinct & also make my condition worse. Obviously hindi mo kilala personally ang mom ko- never syang nagdikta kung sino ang iboboto dahil may tiwala sya na matalino ang anak nya. Hindi ko alam kung yung fever ko ngayon ang nag co-confuse sa kin pero anong ibig sabihin ng ‘reality distortion field?’”
Pero sa IG post ni Kris sa mismong araw ng eleksiyon ay makikitang natuloy din siyang bumoto. Nag-post pa nga siya ng larawan pagkatapos niyang bumoto.
Sa caption nito nakalagay na, “yesterday we expressed love for all our mothers for guiding us, nurturing us, and loving us… today let’s honor our MOTHERLAND by voting, and help in tho the shaping & protecting of the Philippines’ destiny.
“Kagaya ng pakiramdam ng bawat anak, na ayaw mapahiya o maging pabigat sa nanay, na ang hangarin ay pwede syang ipagyabang ng kanyang ina dahil napalaki syang mabuti, masipag, matulungin, matalino, at mapagkakatiwalaan, ganun sana ang adhikain nating lahat tungkol sa Philippines. To make the country we love proud that we are her children.”
PABONGGAHAN
ni Glen Sibonga