Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dyowa ni retired actress, nilibak ng mga kaibigan

WALANG kamalay-malay ang dating aktres na for the longest time ay live-in partner ng isang aktor-politiko na tumatakbo muli ngayon sa isang local post.

Nito kasing Enero ay inimbitahan niya ang kanyang mga college friends sa isang dinner. Naganap ang munting salo-salong ‘yon sa isang fabulosang function room, housed sa isa sa tatlong (we repeat, tatlong) gusaling pag-aari niya sa isang siyudad sa Metro Manila.

Wari’y subtle o disimu­ladong pangangampanya na rin ‘yon ng retired actress para isulong ang kandidatura ng kanyang dyowa. Hindi man botante ang kanyang mga panauhin sa lungsod na tumatakbo ang kanyang live-in partner ay maaari naman nilang i-build up ang mga achievement kuno nito.

Several weeks later, ‘yung ilan sa mga um-attend ng dinner na ‘yon ay muling nagkita-kita at a separate gathering (minus the mistress).

Lingid sa kaalaman ng dating aktres ay nililibak ng kanyang mga college friend ang dyowa niya, na anila’y magpahinga na lang dala ng katandaan at kawalan naman talaga ng nagagawa sa lungsod na ‘yon.

Sey ng isa sa kanila, “Aba, mabuti pa ang taong gutom, may kabusugan. Pero ang aktor-politikong ‘yon, yumaman na’t lahat, eh, gusto pang mas yumaman! Hindi ba’t the height na ‘yon ng sobrang kasuwapangan?”

For sure, kung naririnig ‘yon ng dating aktres ay “iirap” lang siya with matching thought balloon na, “Mategi kayo sa inggit!”

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …